^

PSN Showbiz

The Voice Kids mentors, fake news!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka ang mga taga-GMA 7 kung saan nanggagaling ang mga kuwentong paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA 7.

Dahil kaya sa napapabalitang paglipat ni Matteo Guidicelli? Na wala rin namang kinukumpirma ang Kapuso network.

Hindi rin masabi kung meron bang pag-uusap, pero ang tungkol sa franchise ng The Voice ay mukhang totoo na.

Pero baka ang The Voice Kids daw muna ang unahin bagama’t maaring next year pa raw ito ma-finalize.

Ang nakakaloka lang, hindi pa nga raw nabubuo ang production staff nito, pero kalat na kung sino ang magiging bahagi nito.

May kumalat pang artcard kung sino ang mga mentors at host nito - si Xian Lim daw ang maghu-host, at mananatiling mentors sina Sarah, Bamboo at kasama na raw diyan sina Julie Anne San Jose at Pops Fernandez.

Maganda naman ang line-up kung totoo ito. Pero wala pa raw talagang na-finalize.

Sa isang fan page lang daw ito nanggaling. Kaya nang finorward ko ito sa isang posibleng magiging bahagi ng The Voice Kids, kaagad sinagot akong “fake news!”

Nikko, game sa frontal nudity

Na-impress si Nay Lolit Solis sa Kapuso hunk na si Nikki Co nang sorpresahin niya si Mr. Fu sa birthday celebration nito sa digital talk show na Take It Take It, Me Ganon nung nakaraang Martes.

Totoo siyang sumagot, at ang ganda raw ng attitude nito sa trabaho kaya sana mabigyan siya ng magandang break ng GMA 7.

Katatapos lang ni Nikki ng Mano Po Legacy, at baka kasali siya sa isang bagong drama series ng Kapuso Network na Underage. Binubuo pa lang daw ang casting nito, kaya ayaw pa niyang magbigay ng ibang info.

Ang dami lang kabadingang nawindang sa ‘birthday’ sexy pictorial ni Nikko na posted sa kanyang Instagram nung June 1. “Hindi na tayo bumabata kaya kailangan, laging healthy. Gusto ko rin pong magkaroon ng endorsement showing skin,” pakli ni Nikki nang nakatsikahan namin sa Super Sam pagkatapos ng guesting niya sa Take It...

“Two to three times a week po kung mag-work out ako sa gym. Sa food, dahil mabilis po akong pumayat, talagang lamon. Saka whey protein po ang iniinom ko,” dagdag niyang pahayag.

Okay lang sa kanya kung malilinya siya sa sexy projects, at tingin niya nakakatulong din ang pagiging Chinito niya dahil sa kabaliwan din ng mga Pinoy sa Korean actors.

Walang kiyeme si Nikki na magpa-sexy kung maganda naman ang material.

Kung okay lang daw sa Sparkle GMA Artist Center, wala siyang arte sa paghuhubad kung talagang kailangan sa script.

Game rin siya sa butt exposure o kahit frontal nudity, basta maganda ang material na ibibigay sa kanya. “Okay naman po sa akin, if pasok naman po sa kuwento at saka talaga sa eksena, importante, why not. Okay lang po.

“At kung makakatulong po sa career pero kung makakasira lang, hindi ko po gagawin. Saka kung ano po ang desisyon ng Sparkle, kasi meron po silang image para sa akin,” pagtatapos sa interview ni Nikki.

Beaver, seryosong maging aktor

Gusto rin namin suportahan ang baguhang 16-year old bagets na si Beaver  Magtalas.

Ipapakilala si Beaver sa pelikulang Genius Teens na malapit nang i-stream sa KTX.Ph.

Suportado si Beaver ng buong pamilya na galing sa angkan ng mga pulitiko sa Makati at Nueva Ecija.

Nakapag-acting workshop na rin siya sa Star Magic, at nakasali noon sa Star Hunt.

Pursigido talaga siyang pasukin ang pag-aartista, pero sa murang edad na 16, nakitaan na namin ang pagiging smart nito.

Kaya swak na swak siya sa Genius Teens, na kahit hindi naman siya sa genius level, keri ni Beaver makipagtalastasan sa mga kilalang celebrities na mas matured sa kanya.

Hindi naman daw siya nagmamadali, dahil marami raw siyang gustong matutunan.

Sa ngayon ay mag-iikot muna siya para sa promo ng Genius Teens.

vuukle comment

GMA 7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with