^

PSN Showbiz

Anne, naibalik ang self-confidence

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne, naibalik ang self-confidence
Anne
STAR/ File

Malaki ang pasasalamat ni Anne Curtis sa lahat ng tumangkilik at nanood ng kanyang Luv-Anne concert noong Sabado. Ayon sa aktres ay nakatulong ang naturang show para manumbalik ang kanyang self-confidence.

Aminado si Anne na nakararamdam ng pangamba sa kanyang pagbabalik-trabaho pagkalipas ng mahigit dalawang taon. “I know some people are still not confident to go out but they went there. So talagang I’m so, so happy. Maraming-maraming salamat to everyone who came to watch my comeback. Thank you so much. Ito na talaga, it real­ly helped my confidence din talaga. So ito na, nandito na nga ako,” paglalahad ni Anne.

Bilang isang artista na nagpahinga ng ilang taon sa trabaho ay talagang nanibago umano ang aktres na makapagtanghal muli nang personal para sa mga tagahanga. “Sabi ko nga parang nagising ‘yung slight na natutulog na konti. Nagising lang siya ulit. So I was happy that I was able to do it. Thank you, Lord, talaga for just being with me that night. Kasi it made me overcome my fear again,” giit ng aktres.

Wilbert, mas naging mapangahas

Tuluy-tuloy na ang ginagawang pagpapaseksi sa mga pelikula ni Wilbert Ross.

Pagkatapos makatambal si AJ Raval sa Crush Kong Curly ay muling nagbida ang aktor sa Boy Bastos. Ngayon ay napapanood nang muli si Wilbert sa digital series na High On Sex sa Vivamax.

Ayon sa dating­ miyembro ng grupong Hashtags ay marami nang nagbago sa kanyang buhay mula nang mawala sa It’s Showtime. “Dati po inaasar ako ni Vice Ganda na mukha raw akong Koreano na walang project. Ngayon may projects na po ako na mukhang Koreano pa rin. Tapos tinatawag akong bold star ng team ng It’s Showtime, tanggap ko naman ‘yon. Masaya po ako kasi may trabaho ako. Sa industry natin, hindi lahat meron talaga, sobrang thankful po ako sa Viva,” naka­ngiting pahayag ni Wilbert.

Bilang paghahanda sa mga ginagawang sexy projects ay kinailangan pa umanong magpaganda ng katawan ng binata sa pamamagitan ng madalas na pagwo-workout.

Kahit madalas nang napapanood na nakahubad si Wilbert ay mayroon pa ring hindi gusto ang aktor sa isang bahagi ng kanyang likuran. “’Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa. So tinanggap ko na lang siya nang buo. Step by step, tinatanggap ko na ‘yung flaws ng katawan ko habang naghuhubad ako. Actually, ‘yung Crush Kong Curly, hindi talaga ako kumakain. Takot ako na baka malaki sa screen ang tiyan ko. Tapos, dire-diretso na. Nagwo-workout ako to improve ko na ‘yung sarili ko, ‘yung katawan ko. ‘Yung stretch marks kasi, wala na talagang magagawa do’n eh,” pagtatapat ng aktor.

Ayon kay Wilbert ay mas mapangahas ang kanyang mga ginawa sa naturang digital series kumpara sa mga naunang pelikula.

Bilang pag-iingat sa pribadong bahagi ng katawan ay naglalagay daw ng plaster ang aktor. “Open po kasi ‘yung gym so natatakot ako na baka may dumaan, makita ‘yung puwet ko. Nahiya po ako, naiyak talaga po ako sa kakatanggal ng plaster. Sobrang sakit po talaga,” kwento ng binata.

(Reports from JCC)                                                        

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with