^

PSN Showbiz

Anne 2x a week na, Annabelle nanibago sa Showtime!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Anne 2x a week na, Annabelle nanibago sa Showtime!
Annabelle, Ruffa at Raymond
STAR/ File

Masaya lang, Ateng Salve, si Vice Ganda at ang iba pang mga taga-It’s Showtime, dahil nakapag-report na kahapon sa studio ng kanilang noontime show ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama.

Like Ruffa and Raymond Gutierrez, nag-Sexy Babe segment si Bisaya bilang isa sa mga Authori-Team member.

Aliw na aliw nga ang madlang pipol sa pagiging witty ni Bisaya, huh!

Eh, noong Monday, nagkasakit siya at hindi tama ang duda ng iba na pinigilan siya ni Mond, pero ang dialogue nga sa akin ng twin-brother ni Richard Gutierrez ay puwede raw bang sa Saturday na lang maging hurado ang kanyang nanay?

Pero in fairness, wala namang violent reaction ang dala­wang anak sa episode kahapon dahil pagkatapos ng programa ay dumiretso pa sila sa Mario’s restaurant para mag-late lunch.

Teka! Kung kahapon ay witty na si Bisaya, hindi kaya mas bonggahan pa niya ang appearance niya today sa It’s Showtime?

Hindi kaya mapa-walk out sina Ruffa at Mond? Hahaha!

Sabi ko nga pala kay Bisaya, parang nanibago siya sa paglabas sa It’s Showtime kahapon dahil ang tagal din niyang walang appearance sa kahit na anong shows.

Hindi kaya dahil na-enjoy ni Bisaya ang guesting niya ay i-request niyang maging regular na rin sa segment na ‘yon like Ruffa?

Samantala, si Anne Curtis, kahit balik-It’s Showtime na, twice a week lang daw muna siyang mapapanood sa show.

Bale Monday at Thursday.

Pero kung may special episode naman daw na kailangang mag-appearance si Anne ay baka puwede naman siyang mapanood sa programa.

Basta ang sabi ng katsikahan ko, enjoy si Anne sa twice a week appearance niya sa show.

vuukle comment

ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with