^

PSN Showbiz

Sikat na actor, pinanindigang walang oras mag-girlfriend

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Akala ng iba ay may inililihim lang na girlfriend ang isang sikat na aktor dahil madalas nitong sabihin na loveless siya kapag may nagtatanong.

Pero totoo pala, Ateng Salve, na noon pa ay bokya ang lovelife ni sikat na aktor dahil subsob lang siya sa trabaho.

Sabi raw ni sikat na aktor sa kanyang mga kakilala -- ayaw niyang mag-girlfriend dahil magsa-suffer lang ang kanyang makakarelasyon dahil wala nga siyang time para sa kanyang love life.

Priority raw talaga ni sikat na aktor ang kanyang career.

Well... ‘Yun na!

Showtime, magkakaroon na ng live audience

Alam mo, Ateng Salve, kahapon ay sinamahan ko sina Ruffa at Raymond Gutierrez sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Magkasama bilang Authori-team (hurado) ng Sexy Babe segment ng ABS-CBN noontime show ang magkapatid.

May isang nakatsikahan ako na nagsabing baka pagbalik ni Vice Ganda mula sa US concert tour nito, ang Fully Vice-cinated! na magsisimula ng July 2 at magtatapos ng July 10, ay may live audience na ang It’s Showtime.

Pero ang alam ko noon pa naman ay napapabalita ‘yun, pero hindi pa nga natutuloy.

“Abangan na lang natin sa July,” sey ng katsikahan ko.

Pero kung paanong magpapapasok ng live audience at kung mag-a-antigen swab test din ba ang mga ito katulad ng lahat na mga pumapasok sa ABS-CBN compound ay hindi pa raw sure.

 Anyway, feeling ko nga ay mas masaya sa loob ng studio ng It’s Showtime kung may live audience na sila, huh!

 Samantala, para sa mga PauNine fan na nangungulit sa amin kung tuloy ang appearance nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa It’s Showtime para sa promotions ng pelikula nilang Ngayon Kaya, yes ang sagot.

 Pero hindi na sila sa Sexy Babe segment ilalagay katulad ng unang plano.

 Tsika sa akin ng handler ni Janine na si Rey Lañada, “May production number sila!”

Anyway, sa June 22 na ang opening day sa mga sinehan ng Ngayon Kaya at dahil matindi ang publicity and promotions ng pelikulang ‘yon ay marami ang nagsasabing ngayon kaya ay may maghi-hit na Tagalog movie na na ipalalabas sa mga sinehan?

Well, sana nga!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with