^

PSN Showbiz

Marco, tinuruang humalik ang ‘partner’!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marco, tinuruang humalik ang �partner�!
Marco
STAR/ File

Muling nagkatrabaho sina Marco Gallo ay Rose Van Ginkel para sa pelikulang Kitty K7.

Mapapanood ito sa pamamagitan ng Vivamax simula sa July 8.

Aminado si Marco na nakaramdam siya ng pagkailang sa dalaga habang ginagawa ang kanilang intimate scenes.

Matatandaang nagkatrabaho na ang dalawa noong isang taon para sa pelikulang Gluta. “I think that the factor made it even more awkward. I would’ve rather just have met her and then do this. Knowing her already and then doing this was more awkward for me,” bungad ni Marco.

Tinuruan pa umano ng aktor si Rose kung paano humalik bago gawin ang kanilang eksena. “She says she’s 25 (years old) but she kisses like she’s 16. While we’re doing it, I was like, ‘Rose, I think I need to teach you.’ But I was joking about it. For a second it was kind of weird. But she definitely was putting me on the scene every single time and I’m glad for it,” natatawang kwento ng binata.

Ngayon ay dalawampu’t isang taong gulang pa lamang si Marco. Hindi na raw nagpaalam sa mga magulang ang aktor nang gawin ang kanyang bed scenes sa bagong pelikula.  “You know what’s funny? My mom doesn’t even know about this. I’m so scared right now. I’m not even lying. I’m getting so nervous talking about this positions. Yes, ma, it’s just a game,” natatawang pahayag ng aktor.

Zaijian, kontrolado naang emosyon

Si Zaijian Jaranilla ang gumanap bilang anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa The Broken Marriage Vow. Magwawakas na sa June 24 ang naturang serye. Ayon kay Zaijian ay mayroon siyang mga natutunan mula sa magtatapos na serye. “As Gio, ang natutunan ko ‘yung self love, self worth, ‘yung pakikinig talaga at ‘yung pagiging mature. Kasi si Gio parang bini-blame niya lagi ‘yung sarili niya kung bakit ‘yon nangyari sa family niya. Kaya parang maging-open-minded siya. ‘Yon ‘yung natutunan ko kay Gio. Lalung-lalo na ‘yung pag-control ng emotions,” paglalahad ni Zaijian.

Kakaibang pressure din ang naramdaman ng dating child actor nang gampanan ang papel ni Gio dahil sa mga naunang bersyon ng serye na napanood na sa ibang bansa. “Sa akin naman, nando’n naman lagi ang pressure at kaba. No’ng una, nagda-doubt pa ako sa sarili ko kung kaya ko bang gawin ‘yon. Kaya ko bang i-portray? Kung paano ko iibahin, kung paano ko gagayahin. Pero na-realize ko na hindi ko siya dapat ibahin or gayahin. More on gawin kong akin, gawin kong sarili kong atake. Siyempre sa tulong din ng lahat ng co-actors ko napagtagumpayan namin. Naa­yos naming lahat ng dapat ayusin para makagawa kami ng ganito kagandang show na ipapakita namin sa mga tao,” paliwanag ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

MARCO GALLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with