^

PSN Showbiz

Richard at Raymond, ‘di pa nagkikita

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard at Raymond, �di pa nagkikita
Richard at Raymond.

Alam mo, Ateng Salve, ang saya lang na reunited si Richard Gutierrez sa misis niyang si Sarah Lahbati at mga anak na sina Zion at Kai for two days and three night last week.

Umuwi kasi mula sa lock-in taping sa Ilocos Sur ng FPJ’s Ang Probinsyano ang aktor noong Wednesday at umalis uli sa bahay nila sa Alabang noong Friday morning para magtrabaho uli.

Bale four days kasing walang taping si Richard kaya nagpaalam siya sa mga taga-Dreamscape Entertainment, Inc. na uuwi muna dahil miss na miss na niya ang kanyang mag-iina at pinayagan naman siya.

Siyempre pa, naka-bonding din ni Richard ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, sayang nga lang at hindi sila nagkita ng kanyang twin-brother na si Raymond Gutierrez dahil kaliwa’t kanan naman ang schedule nito.

At dahil Father’s Day na sa June 19, in-advance na nila ang selebrasyon at may pa-cake sa kanya si Sarah at ang kanilang mga anak.

Para sa mag-iina, si Richard ang the best Dada (tatay).

Kahapon ay salang uli si Richard sa taping.

Anyway, hindi ko tinatanong si Richard kung hanggang kailan ba siya sa FPJ’s Ang Probinsyano at kung talagang sa July 1 na ba ang finale episode ng action-drama series na ‘yon ng ABS-CBN dahil hindi mahilig magkuwento ang aktor dahil bawal din namang sabihin ‘yon.

Better na maghintay na lang ng official announcement mula sa Kapamilya Network!

Sharon, tututok muna sa concert nila ni Regine

Nag-out din muna noong Friday si Sharon Cuneta sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil kailangan niyang tutukan ang concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid.

Pero bago bumalik ng Maynila, sunud-sunod na mga eksena ng Megastar ang kinunan sa taping ng nasabing action-drama series.

Siyanga pala, tinanong ko ang isang insider ng FPJ’s Ang Probinsyano kung babalik pa si Sharon sa lock-in taping pagkatapos ng concert nila ni Regine at yes ang sagot nito.

May taping pa raw uli ang Megastar bago siya umalis pa-Amerika para naman sa concert tour nila roon ni Regine.

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with