^

PSN Showbiz

Seryosohan... Rufa Mae, kakandidatong senador sa susunod na election

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Seryosohan... Rufa Mae, kakandidatong senador sa susunod na election
Rufa Mae Quinto.

Seryosong kumandidatong senador si Rufa Mae Quinto sa susunod na election.

Yes, you read it right.

Kahapon, sa media conference ng ‘comeback’ show niya sa GTV, Tols, ay inamin ni Rufa Mae na na-inspire siya nang sumama sa kampanya noong nakalipas na presidential elections.

Maalalang sumampa siya sa stage para kina President elect Bongbong Marcos and VP Sara Duterte. Pero nag-join din siya sa grupo ni Sen. Manny Pacquiao.

At doon daw niya nakitang puwede siyang maging senador.

“Naisip ko, parang ang mga artista puwedeng-puwede pala. Ang mga kaibigan ko nasa pulitika,” pahayag niya sa interview after the presscon ng upcoming family sitcom.

Pero senado raw talaga ang target niya. Ayaw niya sa ibang position.

“Ayoko sa congress, maraming offer,” sabay tawa niya habang kinukulit ng anak na kasama niya sa presscon.

“Pero magpapa-rehistro raw muna ako,” hirit niya.

“Na-enjoy ko kasi talaga nung mag-campaign ako. Sabi ko ganundin naman pala ang ginagawa, so mag-campaign na rin ako. Kaya ko pala,” pag-amin ng komedyana na hindi pa alam kung mapapapayag ang mister na sa Pilipinas na sila maglagi bilang nakikita niyang malaki ang potential na maging todo uli ang career niya sa bansa.

Pero bigla siyang nag-dialogue : “Mahal din kasing tumakbo so hindi pa rin alam. Hahaha.

“Hintayin ko muna kung sinong tatakbo sa susunod na election. Makikisakay na lang ako sa plane. Kanina ko lang naisip,” sabay tawa ulit niya na very Rufa Mae na ang ibig sabihin ay kung sinong kakandidatong presidente pagkatapos ng six years.

At kung mananalo siya, may leading lady na raw sina Senators Bong Revilla, Lito Lapid, Jinggoy Estrada and Robin Padilla.

So nagi-expect ba siya na puwede siyang mag-number 1 tulad ni Robin?

“Kahit nasa top 3 lang,” malakas niyang tawa pagkasabi nun.

At bilang nangampanya siya kay Pres. Marcos Jr., handa ba siyang tumanggap ng posisyon o mag-apply kung sakali sa cabinet position sa papasok na administration?

“Ah puwede ako sa Tourism. DILG. Gagamit ako ng batuta,” sabay tawa ulit niya.

Kung sabagay, walang basagan ng trip.

Anyway, todo na ang back to showbiz ni Rufa Mae. At kung makukubinse nga niya ang mister na sa Pilipinas na sila tumira lalo na at gusto ng anak niya sa bansa dahil andito pala lahat ng mga laruan nito, mas magiging masaya siya.

Ngayon daw kasi ay pabalik-balik siya ng Amerika. At kailangan niya agad mag-decide dahil magki-kinder na ang anak nila at kailangan na itong mag-enroll.

Saka pakiramdam daw niya ay safe na kasi ang Pilipinas.

Noon daw kasi parang lagi siyang nagkaka-allergy, etc., laging lockdown, etc. Pero ngayon normal na raw ang lahat kaya ok na siya.

Iniwan niya sa Amerika ang mister na si Trevor Magallanes pero kasama niya ang anak ngayon dito na si Alexa.

Umuwi siya ng bansa kamakailan matapos ma-lockdown sa Amerika. Bakasyon lang sana ang plano niya pero namatay ang kanyang kapatid.

At ang tinawagan lang daw niya ay ang mga taong malalapit sa kanya pero kumalat na at nagkabit-kabit na ang offer.

Ngayon ay isa siya sa mga bida ng bagong GTV comedy show, Tols.

Daniel, binasag ang chikang may third party sa kanila ni KathNiel

Sana nga ay ma-translate sa Hollywood assignments ang ingay ngayon sa social media ni Liza Soberano at maging ni Enrique Gil.

Kahapon ay trending sila sa Twitter dahil sa iba-ibang issue kasama ang sinasabing hiwalayan nila.

Pero mabilis naman ang denial ng ilang malalapit sa kanila, na hindi sila hiwalay at silang-sila pa rin.

Or baka nga naman part of the game lang ang issue para mas pag-usapan sila?

Anyway, wait na lang natin kung matutupad ang Hollywood dream ni Liza.

Mabilis din ang denial ng kampo ni Daniel Padilla and Kathryn Bernardo na sila ang sinasabing hiwalay na rin dahil sa ibang babae.

Yes, my third party diumano.

Pero mabilis na binasag ng malapit sa kanila.

Getting stronger and better daw ang KathNiel ayon sa interview ni MJ Felipe, kaya basag agad ang sinasabing hiwalayan na ewan kung saan naman nakuha ng ibang ‘Marites.’

Tulad ng LizQuen, super trending din ang KathNiel kahapon.

Saka nag-post si Daniel na magkasama sila ni Kathryn at sweet-sweetan.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with