^

PSN Showbiz

Hunk actor nag-panic nang mag-positive ang maganda at baguhang sexy star sa lock-in!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa rami ng mga kuwentong lock-in romance na nasagap namin, malapit na yata kaming makabuo ng isang libro.

Heto pa ang isang nakakawindang na kuwento ng isang hunk actor na kung saan nakasama ang isang baguhang aktres na maganda naman talaga at napaka-sexy.

Kilala ang magulang nitong si baguhang aktres, pero unti-unti na siyang gumagawa ng sariling pangalan.

Si hunk actor naman ay ang dami na ring na-link sa kanya na aktres at wala itong keber sa hubaran.

Hindi lang kami sure kung saang project sila nagkasama, pero nagkalandian sa loob ng lock-in shoot at merong naganap na hindi natunugan ng production staff.

Sa kalagitnaan daw ng trabaho, nagpa-schedule ng antigen test ang in charge ng safety protocols para matiyak lang na walang may nagkasakit.

Nagulat daw si hunk actor nang nalaman niyang positive sa COVID 19 ang resulta ng baguhang aktres.

Bigla siyang natakot, dahil may nangyari sa kanila at natakot siyang baka nahawa siya.

Pero ang ipinagtaka niya, nag-negative siya sa Antigen test.

Siguro malakas lang ang resistensya ng hunk actor talaga, kaya hindi kumapit sa kanya ang virus.

Pero pagkatapos ng trabaho nila nitong si baguhang aktres, hindi rin nakaligtas itong si hunk actor.

Dinapuan pa rin siya ng COVID 19, pero hindi dahil kay baguhang aktres na nakatikiman niya.

Matagal na iyung nangyari sa kanila, saka siya nagkasakit. Kaya hindi agad siya sa naisalang sa susunod niyang project dahil kailangan niyang i-quarantine.

Gil at Lexi, umamin sa kanilang ‘MU’

Itinatanggi naman nina Gil Cuerva at Lexi Gonzales nagkaroon sila ng lock-in romance sa Love You Stranger.

Magkasama sila sa bagong mystery-romance series na pinagbibidahannina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, na nagsimula na kagabi pagkatapos ng Bolera.

Itinatanggi ni Lexi na sila na, pero dating daw sila o puwedeng sabihing may mutual understan­ding.

Si Gil daw ang isa sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. Pero mas priority pa rin daw niya ang trabaho. Ganundin naman si Gil na hindi naman pinababayaan ng GMA 7 at tuluy-tuloy ang trabaho.

Pero itong MU daw nila ni Lexi ay bago pa raw sila magsama sa Love You Stranger. “Nag-start naman po before Love You Stranger. We were something…nagkataon po na kasama rin si Lexi sa Love You Stranger. So, for me good for us, happy,” pakli ni Gil sa nakaraang mediacon ng Love You Stranger.

“Before that naman po, we were already seeing each other. It started po after my second guesting sa Taste Buddies,” sabi naman ni Lexi.

At dahil umamin na, nagyakapan pa sila sa intermission ng GMA-NCAA All-Star Basketball game na ginanap sa FilOil Flying V Center nung nakaraang Linggo.

Lumabas silang dalawa, at lalo raw silang natuwa nang magkasama sila sa bagong series na ito ng GMA 7.

Samantala, maganda ang feedback sa pilot ng LYS.

Ibang-iba siya sa drama series na napapanood natin, at sabi nga ng director nitong si direk King Baco mala-Netflix daw ang dating, na kaya lalo raw gumanda dahil sa  magaling na performance ng mga artista niya. “We have to keep up. Siyempre, we don’t give materials na pocho pocho lang di ba? Ang hirap e…lalo na ngayon na binabantayan ng mga audience na napakametikuloso.

“Binabantayan nila ang bawat detalye ng ginagawang material natin. So, I think, we have to level up.

“Iyun ang challenge…it’s not only me but for other programs, dapat ganun, kasi matalino na ang audience natin e,” pakli ni direk King Baco.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with