^

PSN Showbiz

Sanya, ayaw sa lalaking walang pangarap

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Pag-amin ng First Lady star na si Sanya Lopez, na-in love na rin siya noon, pero puppy love lamang daw iyon. “Na-in love po ako, pero ‘yung iyak ko siguro, hindi ko alam kung love ba talaga ‘yung tao. Iniisip ko na, karapat-dapat ba ako para sa kanya? Hindi ko alam kung mali ‘yun at deserve ko ba ‘yon? ‘Yung first love ko, doon talaga ako umiyak. Hindi ko siya naging boyfriend because bawal, bata pa. So sabi ko, ‘Kung tayo, tayo talaga. Eh talagang tayo.’”

Ngunit kung magkarelasyon man, sinabi ni Sanya na isa sa kanyang mga katangian ang pagiging loyal. Hanap naman niya sa isang partner ay ‘yung pagiging marespeto sa babae at pamilya. “Kapag na-in love ako, totoo ‘yon, loyal po kasi ako eh. So ang hirap din. Hindi ako sanay na magloko. Unless magloko siya.

“’Yung marespeto niya sa babae, number one, respeto sa pamilya. Tsaka ‘yung mahal na mahal ako. Bonus na lang talaga kung gwapo, may abs. Wow!” tawa pa niya.

Pinakaimportante raw ay may malaking pangarap sa buhay ang magi­ging partner niya.

“Ayoko na ako lang ang nagtatrabaho. Gusto ko sabay tayo nangangarap. Kapag nag-boyfriend ako, hindi lang siya sasabihin ko na ‘Hanggang boyfriend lang kita ha, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa ating dalawa.’ Nandoon ako sa moment na kapag naging boyfriend kita, parang posible na ikaw na rin ‘yung sa future ko.’”

Ysabel at Miguel, nagsalita na sa kanilang relasyon

Nagsalita na ang Sparkle stars na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix tungkol sa pagiging extra close nila on and off-screen. Naging malapit nga sa isa’t isa ang dalawa dahil sa mahabang taping nila ng Voltes V: Legacy.

Ayon kay Ysabel: “It’s a close working relationship. Siyempre kailangan may strong working relationship para magkaroon ng chemistry on scene. Super fun na katatrabaho si Miguel.”

Simple lang naman ang sagot ni Miguel tungkol sa kanila ni Ysabel: “Okay naman kami ni Ysabel ngayon. We’re doing really good.”

Bago ang Voltes V: Legacy, mauunang mapanood ang loveteam nila sa upcoming romantic-comedy series na What We Could Be.

Makakasama rin sa naturang series sina Yasser Marta at Pamela Prinster.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with