^

PSN Showbiz

Ken Chan, naudlot ang pagpipiloto

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ken Chan, naudlot ang pagpipiloto
Ken Chan.

Ahh muntik na palang sukuan ni Ken Chan ang showbiz.

Planado na sana ang gagawin niya noon. Pakiramdam niya kasi ay walang nangyayari sa career niya.

“Mukhang ayaw naman sa akin ng showbiz sabi ko,” umpisa niya. “Eh kailangan kong buhayin ‘yung sarili ko, kailangan ko din pong buhayin’ yung pamilya ko so I have to decide. Nag-decide ako na magtrabaho sa airline.

“Isa ‘yun sa dreams ko talaga, maging flight attendant and eventually maging piloto. But God and GMA Network gave me Destiny Rose. Dahil sa Destiny Rose kaya po until now, nandito pa rin po ako,” pag-alala pa ng actor / singer sa kanyang 2015 teleserye na nagbukas ng lahat ng pagkakataon sa kanyang career.

Pero hindi raw ‘yun ang favorite project niya so far. “Hindi eh. Isa ‘yun sa mahirap talaga na tinatanong sa akin kung ano ‘yung favorite ko, but isa ang Destiny Rose sa paborito ko.

“Isa rin talaga sa dream roles. Kapag tinanong mo ‘yung mga aktor na nandito sa atin, talagang isa sa dream roles namin ay gumawa ng isang role about LGBTQ community. Isa ako sa masuwerteng nakagawa talaga nito. Isa sa dream roles ko po talaga itong Destiny Rose,” paliwanag niya.

Pero dagdag niya : “Isa rin sa mga paborito ko ‘yung My Special Tatay, syempre, and ‘yung Ang Dalawang Ikaw. Gusto ko lang sabihin na sobrang blessed po ako and thankful ako dahil nabibigyan po ako ng GMA Network ng mga teleserye po na may adbokasiya, na may pinaglalaban. I’m just so happy talaga. Habang ginagawa ko ‘yung passion ko sa pag-arte, kahit papaano nakakatulong tayo sa mga Kapuso viewers natin na ipaintindi sa kanila ‘yung mga ganitong klaseng istorya na hindi pa ganun kalawak ‘yung idea natin tungkol sa LGBTQ community, sa autism, sa Dissociative Identity Disorder so natutuwa ako kahit papaano nakakatulong tayo sa mga Kapuso natin na ipaliwanag sa kanila ang iba’t ibang mukha ng tao,”  mahabang sagot ni Ken sa media launch ng kanyang comeback song, ang Quaranfling, under GMA Music.

Yup, nilabas nga niya sa isang kanta ang kanyang nararamdaman noong nakaraang quarantine. “It’s a love story na nabuo during the pandemic. Alam natin na maraming nabuong pagmamahalan while we are in the middle of the COVID-19 pandemic. Nakita natin na in spite of what’s happening ay may magagandang bagay pa rin na nangyari sa buhay natin. May silver linings na nangyari tulad ng time and love na nagawa ko ulit for myself, for my family, and for a special someone. So, itong bagong single ko, hindi lang ako ang naka-experience nito, maraming tao ang naka-experience nitong Quaranfling. Kaya I’m very thankful and blessed na ang GMA Music ay nakaisip ng ganito kagandang konsepto at ganito kagandang kanta,” pagbabahagi ni Ken na ayaw pangalanan kung sino nga ba ang naka-quaranfling niya.

By the way, itinanggi ni Ken na may away sila ngayon ni Rita Da­niela at binuwag na raw ang RitKen loveteam.

Sa ngayon daw talagang wala munang RitKen pero aniya, puwede pa naman silang magsama in the future. Ipinaliwanag daw kasi ng GMA Artist Center at Sparkle na hindi naman pang-forever ang loveteam.

Klinaro rin niyang wala silang problema ni Rita. “Okay na okay po kami ni Rita. Minsan nangangamusta. Hindi rin po kami masyadong nakakapag-usap kasi na-busy po ako sa Mano Po pero okay po kami ni Rita. Wala pong problema po sa amin,” chika niya pa rin sa press launching ng Quaranfling.

Sinabi niya ring nakuha lang niya sa Google ang tweet niya recently lang na parang may pinariringgan. “Ay, naaalala n’yo pa po pala ‘yung tinweet ko. Nakuha ko po ata sa Google ‘yun,” sabi niya na tumatawa.

Pero may mga tao raw talagang pilit na ibinababa ang kapwa. At kung may mga ganun daw, ‘wag na lang aniyang pansinin. “Marami po talagang tao sa atin, hindi lang po sa mga artista, kahit sa ating lahat, na makakaranas talaga ng ganung exper­ience. May mga tao talaga na pilit kang ibaba pero may nakapagsabi sa akin dati, actually ‘yung parents ko na kapag pinipilit kang ibaba hayaan mo lang sila kasi kung sino ‘yung pinipilit na ibaba ang siyang itinataas ng Panginoon,” banggit niya.

“Hindi kasi ako nagtatanim ng sama ng loob, ng galit, e. ‘Yun ang isa sa mga ano ko po… isa sa mga blessed and thankful ako.

“Hindi ko naman sinasabi na hindi ako marunong magalit, pero hindi ako nagtatanim ng galit at sama ng loob. So, madali talaga akong magpatawad ng tao.

“Wala naman pong problema dun. Kung ano po - maging kaibigan ko pa rin naman siya,” paglilinaw niya pero walang mention kung sinong pinariringgan niya.

Samantala, magsisilbing comeback ito ng actor sa music scene kung saan noong 2019 pa ang kanyang huling kanta na I Like.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with