^

PSN Showbiz

Joshua, may sakit pa ring nararamdaman sa mga sinasabi ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, may sakit pa ring nararamdaman sa mga sinasabi ni Julia
Joshua Garcia.

Kamakailan ay nabanggit ni Julia Barretto sa isang pahayag na ayaw muna ng aktres na magkaroon ng bagong kasintahan si Joshua Garcia.

Matatandaang naging magkasintahan noon sina Julia at Joshua. Ngayon naman ay masaya ang dalaga sa relasyon nila ni Gerald Anderson.

Nanatili namang single si Joshua mula nang nagkahiwalay sila ni Julia noon. “Palagi niyang sinasabi ‘yon ‘pag nagkikita kami. Sabi ko sa kanya, ‘Bakit? Ikaw lang pwede?’ Okay naman, actually parang lahat ng naging girlfriend ko naging kaibigan ko rin naman,” natatawang kwento ni Joshua.

Ayon sa aktor ay masaya siya para sa relasyon nina Julia at Gerald. Maganda rin ang pakikitungo nina Joshua at Gerald sa isa’t isa. “Oo naman, alam mo, kung mahal mo ang isang tao, nando’n ka para sa growth niya. At saka kahit masakit man, pero okay na ‘yon. Tapos na ‘yon,” giit ng binata.

Seth, pinaghahandaan si Francine

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakatambal sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa Dirty Linen.

Matatandaang mainit na tinangkilik ng mga tagahanga ang tambalan nina Seth at Andrea Brillantes at Francine at Kyle Echarri. Sobrang excited na raw ni Seth ngayon para sa bagong proyekto nila ni Francine. “Nakatrabaho ko na siya pero iba na eh. Kami na ‘yung magka-partner. So excited ako siyempre, ‘yung batuhan ng mga linya inaabangan ko. Tingin ko mas mature. Ang daming natutunan, so ngayon nag-pair up na kami, ready na. mas mature na. ‘Yon talaga ang pinag­hahandaan ko. ‘Yon talaga ‘yung napaka-excited ako. Siyempre bago kong makakatrabaho, madami akong matututunan. Siyem­pre kami ni Francine, ‘yon ‘yung nilu-look forward ko,” nakangiting pahayag ni Seth.

Kahit kasintahan na ngayon ni Andrea si Ricci Rivero ay wala naman daw magiging problema kay Seth kung muli silang magkakatambal ng aktres. Suportado rin umano ng aktor ang relasyon ngayon ng dalaga at ng sikat na basketbolista.

Masaya naman si Seth para sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan ngayon ng mga kapwa kasamahan sa Gold Squad. “Siyempre nagpapasalamat ako dahil sa suporta pa rin kami, Gold Squad. Si Kyle, sa mga kaibigan ko. Siyempre congrats din sa kanila. Si Kyle din may gagawin na, ‘yung Beach Bros. At kay Blythe (Andrea) din,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with