^

PSN Showbiz

Gretchen, bet magpahinga sa social media!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen, bet magpahinga sa social media!
Gretchen Barretto.

Nami-miss na ng fans si Gretchen Barretto.

Bigla na naman kasing nawala ang Instagram account ni Gretchen.

Maraming nakaka-miss lalo na ang followers niya na laging nakabantay sa OOTD ng former actress. At ganundin ang bashers na isa sa mga favorite si La Greta.

Nagwo-worry naman on the other hand ang mga natulungan niya sa kalagitnaan ng pandemic.

Libu-libong love box din kasi ang naipamigay niya na halos malimas ang laman ng ibang supermarket tuwing mamimili ang grupo ni Ms. Greta, ayon sa source.

Ganundin ang mga saku-sakong bigas na ipinamigay niya at santambak na wheelchairs sa mga senior at ibang may karamdamang hindi maka-afford bumili ng wheelchair.

Ayon naman sa isang malapit sa actress baka naman bet lang din ni Gretchen na mag-social media break para matutukan ang pag-aalaga sa kanyang Mommy Inday na hanggang ngayon daw ay naka-confine sa isang hospital sa Makati.

Nag-chat din ako sa BFF niyang si Ms. Ana Abiera na ayon sa kanya ay “I’m okay and G is good,” reply ni Ms. Ana na naging punong abala sa mga ayuda ni Ms. G

Maging ang daughter nila ni Tonyboy Cojuangco na si Dominique ay wala ring masyadong updates sa kanyang Instagram page.

Nauna nang na-hacked ang original account niya sa IG na imbes na habulin ay gumawa si La Greta ng panibagong account na ngayon nga ay ‘di na uli mahanap.

Kahit matagal nang pahinga ang showbiz career ni Gretchen, lagi naman siyang pinag-uusapan na ang huling isyu sa kanya ay ang tungkol sa kanila ni Sen. Bato dela Rosa.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with