^

PSN Showbiz

Alyssa, tinanggi ang third party

Pilipino Star Ngayon
Alyssa, tinanggi ang third party
Alyssa Valdez.

Trending kahapon ang hiwalayan nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.

Ilang araw na rin mina-marites ang kanilang hiwalayan at hoping ang followers nila na hindi ito totoo pero naglabas ng confirmation ang management team ng volleyball superstar / PBB housemate, ang V management group :

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid ma­king up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.

Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her.

This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding,” ang kabuuan ng statement matapos lumabas ang isyung diumano’y may third party kaya sila nag-break. “please avoid ma­king up stories & spreading false rumors.  thank you for all the love,” tweet ni Alyssa.

Anyare nga ba? Six years din ang kanilang relasyon.

Anyway, maaalalang pinalitan sa PBB ni Samantha Bernardo si Alyssa bilang celebrity Top 2 dahil ang national volleyball team player na si Alyssa ang isa sa mga kinatawan ng bansa para sa ginanap na Southeast Asian (SEA) Games.

Aspiring singer mula sa Cavite, nanalo bilang unang Ultimate Bida Star Singer

Itinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida Star Singer ang aspiring singer na si Amanda Manaois na anim na taong nang nagsisikap na abutin ang kanyang pangarap maging singer sa bansa.

“Paniguradong magbabago na ‘yung buhay ko matapos ang anim na taon na pagsusubok kong makapasok sa music industry sa paggawa ko ng mga sinulat kong kanta at covers,” saad niya.

Sa huling live performance show, naalala ng host ng programa na si Karina Bautista ang sinabi ng head ng It’s Showtime at Polaris na si Reily Santiago sa ipinakitang improvement ni Amanda sa kumpetisyon. Ayon sa Bida Star Singer judge, mas naging powerful ang boses ng dalaga mula nang una niya itong narinig kumanta.

Para nga kay Amanda, napaka-fulfilling ng naging journey niya sa online search. “Nitong nakaraang linggo, ang dami kong natutunan sa music, pagkanta, mga technique sa pagkanta mula sa mga hurado. Bukod dito, marami rin akong nakilalang bagong kaibigan,” pagbabahagi niya.

Mula sa daan-daang Pilipino na nag-audition, nanaig si Amanda at nakakuha ng 84.51 ng vote points mula sa kumu diamonds, KTX votes, at judges scores sa kanilang huling sing-off kaya naman nasungkit niya ang titulo Ultimate Bida Star Singer.

Aniya, “Sobrang blessed and grateful ako kasi alam ko po ‘yung hirap ng family ko po para matupad lang ‘yung pangarap ko maging isang singer. Nag-join po ako sa Bida Star Singer kahit pasuko na ako sa dreams ko. Natupad ko pa rin ‘yung pangarap ko kaya nagpapasalamat ako sa suporta ng pamilya at friends ko.”

Bilang Ultimate Bida Star Singer, nanalo rin si Amanda ng P50,000 cash prize, ABS-CBN management at recording contract, tsansa na ma-shortlist para sa interview ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, appearances sa iba’t ibang Kapamilya shows, at isang special trophy.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with