^

PSN Showbiz

First Lady, hinihintay kung may book 3

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
First Lady, hinihintay kung may book 3
Gabbi at Sanya
STAR/ File

Sabi ng isang tinanong ko, hanggang next week na lang daw ang taping ng First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa GMA 7.

Itong last cycle nila, hindi na lock-in. Bale Monday-Wednesday-Friday tapings sila at uwian na ang cast, pero may once a week PCR-swab test daw ang lahat para masiguradong walang may COVID-19, huh!

Anyway, nakita ko ‘yung post sa Facebook ng isa sa mga direktor nila na si LA Madridejos.

Masaya si Direk LA dahil nakatanggap sila ng commendation letter mula kay Atty. Felipe L. Gozon, ang chairman at CEO ng GMA Network, Inc. para sa First Yaya naman (ang book one ng nasabing primetime series)

Sa letter, pinapurihan sila ni Atty. Gozon dahil sa successful run sa primetime television ng First Lady at dahil #1 ang ranking nila sa Top Program of 2021 in both Urban Philippines and Total Philippines.

Sobrang touched nga si Direk LA kaya ang sabi niya, “First! Masarap pala sa pakiramdam na makatanggap ng commendation mula sa taas. Nakakakilig!

“Para ito sa lahat ng naging part ng show. Karangalan na makatrabaho kayong lahat. Ama, sana proud ka. Ginagalingan po namin.”

Ang bongga!

Teka! Ngayong matatapos na ang taping ng First Lady, maisipan pa kaya ng GMA 7 big bosses na gawan ito ng book three?

Well...

Elikoy, ‘di apektado sa relasyon ni Elijah kay Miles

Nagsimula na noong Sunday sa KTX.ph at VivaMaxPlus ang strea­ming ng Gameboys 2 series nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Isang insider ng The IdeaFirst Company nina Perci Intalan at Jun Lana ang tinanong namin kung kumusta naman ang outcome no’n? Marami ba ang nanood? “Yes, in fairness, malakas siya, both sa KTX.ph at VivaMaxPlus. ‘Katuwa nga dahil sa VivaMaxPlus, number two siya consi­dering na ipinapalabas din ‘yon sa KTX.ph. So, talagang malakas siya,” tsika ng kausap namin.

At least, hindi nakaapekto sa mga fan ng EliKoy “love team” ‘yung nabuking na relasyon ng una kay Miles Ocampo.

Masasabing tanggap na ng karamihan sa mga fan nila na hindi magdyowa sina Elijah at Kokoy at babae nga ang karelasyon ng una.

‘Yun na!

vuukle comment

FIRST LADY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with