^

PSN Showbiz

Kris, takot umalis ng pilipinas!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, takot umalis ng pilipinas!
Kris Aquino.

Ewan ko kung totoo ang kutob ko, Salve. Palagay ko, dahil si Kris Aquino mismo ang may alam kung ano talaga ang nararamdaman niya, kung gaano kaseryoso ang kanyang sakit, kaya ayaw niyang umalis para magpagamot sa ibang bansa.

Nandu’n siguro ang takot na baka matagalan bago siya makabalik, o God forbids baka kung ano ang mangyari sa kanya.

Si Kris mismo ang nakakaalam kung gaano kabigat ang sakit niya, at kung paano niya tinitiis ang sakit na nadarama niya.

Pati pagsusulat nahihirapan na siyang gawin dahil sa sakit na nararamdaman niya. Pero hanga ka sa kanya dahil hindi siya nagsasalita kung gaano katindi ang sakit na tinitiis niya araw-araw. May mga araw pala na hindi na siya makagalaw at nasa loob na lang siya ng kanyang room. Kinakaya na lang niya ang sakit para hindi mag-alala si Bimby na nakabantay sa kanya.

Kaya siguro takot siya na umalis para magpagamot sa abroad, dahil doon ay malayo siya sa piling ng mga kapatid niya.

Nakakalungkot ang kalagayan ni Kris, talagang kailangan niya ang dasal natin, hindi lang para sa kanya kundi para kina Joshua at Bimby. Isama natin siya sa ating dasal, please.

Susan, umaapaw ang pagmamahal sa burol

Makikita mo talaga ang pagmamahal at respeto sa isang tao sa kanyang burol.

Nakita mo ba ang outpouring of love na binibigay nila ngayon kay Susan Roces.

Talagang patunay na naging mabuti siyang tao noong nabubuhay pa siya. ‘Yung halos maubos siguro ang bulaklak sa flowershops dahil sa rami ng order na bulaklak para kay Susan, ‘yung buhos ng tao na nakiramay sa kanyang burol. Ang sarap makita na ganun karami ang apektado ng pagkawala mo, ang mga nagmamahal sa iyo.

Ang respeto at pagmamahal ng mga tao na humahanga sa iyo. Magandang alaala ang naiwan ni Susan Roces para sa lahat. Hanggang huling sandali minahal siya ng mga tao na nakilala niya sa kanyang journey dito sa lupa. Respeto ng mga tao na binigyan din niya ng respeto.

It was a meaningful life for her, never to be forgotten. Susan Roces is gone, but her memories will stay with all of us. Let us pray for her.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with