^

PSN Showbiz

Maris, napaiyak ni Rico

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris, napaiyak ni Rico
Maris at Rico
STAR/ File

Mahigit isang taon nang magkasintahan sina Maris Racal at Rico Blanco. Kahit mahigit dalawang dekada ang agwat ng edad ay maayos at masaya ang relasyon ng dalawa ayon sa aktres. “Kami po ngayon sobrang okay po namin. As in hindi kami nag-aaway. Kung nag-aaway man, hindi ‘yung alam mo na pagalingan, ‘yung parang kailangan may manalo sa away. Nag-aaway kami kasi parang kailangan i-fix namin. Tapos masaya lang, magaan, happy,” makahulugang pahayag ni Maris.

Kamakailan ay pinag-usapan ng netizens ang video blog ng aktres kung saan makikitang tinuturuan siyang magmaneho ng sasakyan ni Rico. Ngayon lamang daw ulit nakapagmaneho si Maris kaya kinailangan niyang magsanay muli. “Sabi ko, babe pwede bang turuan mo ako ulit?’ Kasi three years na akong hindi nagda-drive. Tapos ayaw niya pa. Si Rico kasi super careful niya na tao, kailangan planado lahat. ‘Okay, sino magvi-video sa atin? Saan tayo dadaan? What if may kotse?’ Ganyan siya, tapos na-frustrate, umiyak pa ako. Sabi ko, ‘Ang hassle mo namang ka-vlog.’ Kasi kapag vlog dapat masaya lang para ‘yung momentum. Umiyak pa ako sabi ko, ‘Huwag na lang.’ Siguro weeks na sabi niya, ‘Sige, ituloy na natin ‘yung vlog mo. Gawin na natin kasi free na naman ako.’ Tapos ginawa namin,” pagde­detalye ng dalaga.

Zanjoe at Kylie, kampante sa sexy scenes

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sina Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo. Napapanood na ngayon sa Vivamax ang pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal na pinagbibidahan ng dalawa.

Hindi umano nagdalawang-isip ang aktor na tanggapin ang proyekto nang mabalitaang si Kylie ang makakatambal dito. “Kahit hindi ko pa nababasa ang script, aaminin ko, na-excite ako agad nang malaman kong si Kylie, bihira akong may makatrabaho na halos pantay lang sa height ko,” bungad ni Zanjoe.

Napahanga raw ang binata sa pagiging propes­yunal ni Kylie bilang isang aktres. “Nagulat ako, grabe ‘yung preparation niya for this movie. First scene namin, naramdaman ko na may something sa dalawang characters na pwede talagang mag-work. Kaya nag-enjoy kaming tapusin ang pelikula namin,” dagdag ng aktor.

Sa Sagada kinunan ang karamihan sa eksena para sa naturang proyekto. Sobrang lamig daw sa lugar noon habang ginagawa ang kanilang pelikula. “We were both excited sa mga scenes namin. Natutulog kami tapos nag-hike kami sa bundok. Kylie and I protected ourselves. Kampante kami sa mga scenes namin na sexy kasi alam naming hindi kami pababayaan ni direk (Richard Somes),” kwento ng binata.

Para naman kay Kylie ay hinding-hindi niya makalilimutan ang karanasan sa Sagada dahil sa lamig at ganda ng lugar. “Masaya na kinabahan kami. Pero maganda naman ang experience. We had to hike at 1 a.m. and we reached the Sea of Clouds at 2 a.m. Then natulog pa kami. Kailangan naming hintayin ang araw at 5 a.m. then we started shooting. We had to shoot a lot of scenes. Tuluy-tuloy lang, we didn’t have any problems,” nakangiting pahayag ni Kylie.

Ayon sa dalaga ay agad naman siyang naging kumportable kay Zanjoe kahit ngayon pa lamang sila nagkasama sa trabaho. “At ease na ako with Z and kumportable na ako. Z was very professional and very tahimik,” pagtatapos ng beauty queen-actress.

(Reports from JCC)

vuukle comment

RICO BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with