^

PSN Showbiz

Hayden, lutang ang taurus trait

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Hayden, lutang ang taurus trait
Kinsey at Hayden.

Ka-birthday ko si Dr. Hayden Kho at ang apo ko na si Kinsey kaya tatlo kami na nag-celebrate ng birthday kahapon at tulad ko, Salve, parang nakita mo na rin ang small trace of naughtiness sa dalawang celebrant, ‘di ba! hah hah. Siguro nga iyon ang isang Taurus trait na talagang taglay namin, naughty pero hindi naman harmful.

Konti lang kapilyahan na madali namang mapatawad. Sana lumaki na doktor din si Kinsey, dahil tiyak na magiging maligaya ako, pero dahil sa Amerika may mga sarili nang pag-iisip ang isang bata pagdating ng certain age, baka hindi ko rin alam kung ano ang patutunguhan niyang career.

Ok na rin sa akin maging fireman siya gaya ng father niyang si Thomas McDonald. Basta lumaki lang siya na mabait at mapagmahal na anak.

Naging masaya ang aking buhay, sana ganundin sa aking apo na si Kinsey. Sana lahat ng mga pangarap niya, maabot niya. Praying hard for that. Amen.

At dahil birthday ko, bibigyan ako ni Kris Aquino ng S&R GC at si Boy Abunda naman nagpadala ng Puregold GC. Kaya siguro ang may-ari ng S&R at Puregold na si Mama Susan Co iba ang ibinigay na regalo sa akin.

More than the gifts, ‘yung pagtawag ni Mama Susan nang personal para batiin ako ng Happy Birthday ang talagang touched ako talaga. Knowing her kung gaano ka-busy, at taas ng level niya, parang humbling experience sa akin ang personal na pagbati niya. Talagang hindi ko inaasahan na Susan Co of S&R and Puregold will be as sweet and thoughtful as that.

I am very honored talaga.

vuukle comment

HAYDEN KHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with