Mariel, absent sa proclamation ni Robin; JV at Jinggoy nagyakapan
Maging BFF kaya sina Mariel Rodriguez and Heart Evangelista?
Belong na sila sa Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) matapos ang proclamation ng mga nanalong senador kahapon.
Number 1 ang actor turned politician at number 5 si Sen. Chiz mula sa pagiging gobernador.
‘Di nakadalo si Mariel sa nasabing proclamation. Sina Sen. Bong Go, Phillip Salvador, brother niyang si Rommel Padilla at iba pang kaibigan ang kasama ng action star. Nasa Spain pa si Mariel at ang mga anak nila with Mariel’s parents at nagbabakasyon.
Si Heart naman ay kasama ni Sen. Chiz.
Samantala, sa ginanap pa ring proclamation kahapon, matapos ang matagal na ‘disagreement’ nagyakapan ang magkapatid sa amang sina Senators Jinggoy Estrada and JV Ejercito.
No. 10 si Sen. JV at No. 12 si Sen. Jinggoy.
- Latest