^

PSN Showbiz

Flower of Evil nina Piolo at Lovi, pinakita na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Flower of Evil nina Piolo at Lovi, pinakita na
Piolo at Lovi.

Inilabas na ng ABS-CBN ang unang teaser ng Philippine adaptation ng South Korean drama na Flower of Evil, kung saan ipinasilip ang mga karakter nina Lovi Poe at Piolo Pascual.

Kabilang din sa cast sina JC de Vera, Agot Isidro, Denise Laurel, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joross Gamboa, Joko Diaz, at Edu Manzano.

Kabilang ang Flower of Evil sa mga bagong programa ng ABS-CBN na naka-focus ngayon sa pagiging content creator.

Inaabangan naman kung matutuloy na talaga ang Darna ni Jane de Leon na diumano’y papalit sa Ang Probinsyano na magtatapos na very soon.

Inaasahan ding malapit nang mapanood ang A Family Affair starring Ivana Alawi with Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake na gumaganap na magkakapatid na leading men ni Alawi.

Meron din silang Dirty Linen starring Zanjoe Marrudo and Janine Gutierrez.

Jeric, namayat kay Rabiya?!

‘Ang payat ni Jeric Gonzales’ ang mabilis na comment ng ibang mga nakasabay niya sa swab test kahapon sa GMA 7.

“Baka naman pinapagod masyado ni Rabiya Mateo,” comment ng iba pang andun.

Hahaha. Madalas kasing nakaalalay si Jeric kay Rabiya at minsan pa nga raw ay ginagawa nitong driver ang actor.

Pero ayon sa isang malapit kay Jeric, kailangan daw talagang pumayat nito para sa Start-Up na babalik na uli sa taping matapos ang short break.

Anyway, hindi na gaanong mahigpit ang health protocol ngayon sa ta­ping. Uwian na pero kailangan pa ring mag-swab.

Pero after RT PCR test, puwede pang umuwi unlike before na kailangan nilang mag-stay sa isang hotel.

Hindi na rin nagla-lock-in ang mga taping unless out of town daw ang taping.

Anyway, wala pang schedule kung kailan ang airing ng Start-Up na first teleserye nina Alden Richards and Bea Alonzo sa GMA 7.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with