^

PSN Showbiz

Daniel, 17 years old pa lang nang maisip pakasalan si Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, 17 years old pa lang nang maisip pakasalan si Kathryn
Daniel at Kathryn.

Mahigit sampung taon nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa loob ng isang dekada ay marami na ring pinagdaanan ang relasyon ng dalawa. “Sa lahat ng pinagdaanan namin, hindi rin madali. Hindi rin laging masaya. Hindi naman lahat nagro-root para sa amin. Nandiyan ‘yung mga boses na ayaw mong pakinggan na naririnig mo, na bata ka at naririnig mo. Siyempre kahit paano madadala mo rin hanggang ngayon ‘di ba? Ayaw ko naman gamitin, ‘yung trauma pero parang meron ding anxiety na kasama eh. Lahat ng ito, lahat ng glitters, lahat ng ilaw, may kasama siyang gano’n,” makahulugang pahayag ni Daniel.

Ayon sa aktor ay nakahanda na siya ngayong pakasalan si Kathryn. “Iyon na ‘yung next chapter ng buhay namin. Ten years na kami rin. Iba ‘yung kasal. After that, you build a house together, build a family together. Ako kasi looking forward na rin ako doon. Kasi, ano pa bang ano ko sa buhay ko? Twenty seven (years old) na ako, what’s next sa aming dalawa? Dapat 28 pero hindi pa pala ‘yon. Pero ako, trenta ang usapan, hindi na mamu-move ‘yon,” naka­ngiting pahayag ng binata.

Aminado si Daniel na kahit noon pa mang bago silang magkarelasyon ay napag-uusapan na nila ni Kathryn ang tungkol sa pagpapakasal. “16 or 17 years old pa lang kami, pinag-uusapan na namin ‘yan. Now we’re here. What’s the plan after three or two years,” pagtatapat ng aktor.

Ian, excited sa pagma-manage ni Ogie

Nasa pangangalaga na ngayon si Ian Veneracion ng A Team na pag-aari ni Ogie Alcasid.

Naisipan umanong lumipat ng aktor sa naturang talent management noong nakatrabaho si Ogie ilang taon na ang nakalilipas. “I’m very excited because I’ve been working with A Team for the past years starting no’ng nag-produce si Ogie ng concert ko no’n before. And then marami kaming ginawang online shows during the pandemic. Super light ang arrangement namin. Our desire to work with each other is mutual and at one point if any of us hindi satisfied, we’re not bound to force it. Kasi nga it’s out of friendship. So ‘pag gano’n very light tapos nando’n ‘yung partnership dahil gusto namin pareho,” paglalahad ni Ian.

Mula nang sumabak sa pagkanta ang aktor ay talagang suportado na raw siya ni Ogie. Para kay Ian ay malaking bagay na isa ring artista ang kanyang talent manager ngayon. “Kasi if you’re an artist and ang nagma-manage sa iyo artist din, you share the same perspective. You appreciate the concern for a certain quality, a certain taste. It’s such a liberating experience. Ang sarap,” giit ng actor-singer.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling magkaroon ng concert ni Ian sa ibang bansa. “It just so happens na now ‘yung music talaga ‘yung passion ko. And also ang sarap-sarap na bumibiyahe sa ibang bansa. For example with my band, nag-States kami dati and we did concerts there. Then nag-Canada kami. Gusto kong ulitin ‘yon,” pagbabahagi niya.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with