2 Good… ng KathNiel, parang K drama
Nung Sabado ng gabi rin nag-premiere sa Netflix Philippines ang 2 Good 2 Be True nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Two episodes pa lang ang napanood ko.
Parang Korean ang presentation. Visually stunning.
Interesting din ang story at parang makakalimutan mong 10 years na ang tambalan ng KathNiel dahil fresh ang approach ng character nila.
Nag-uumpisa pa lang at sana, ma-sustain ang kuwento at hindi lumaylay.
Ang galing din na naging ‘sound stage’ na ang ABS-CBN Building sa Quezon City.
Hindi na kailangan ng maraming location, andun na lahat.
- Latest