^

PSN Showbiz

Angelica, gustong burahin ang mga kagagahang ginawa noon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angelica, gustong burahin ang mga kagagahang ginawa noon!
Gregg at Angelica
STAR/ File

Ibinahagi ni Angelica Panganiban sa You Tube channel ni Meryll Soriano ang mga pinagdaanan niya sa kanyang pagbubuntis.

Halos isang taon din daw nilang trinabaho ng partner niyang si Gregg Homan na mabuntis pero lagi silang nagpi-fail.

Ang dami raw niyang isinakripisyo, at iniwasan na dati niyang ginagawa pero hindi nakakabuo.

Hanggang nung last quarter of 2021 ay napapansin daw niyang iba na ang ugali niya. Nagiging maldita raw siya na naging mainitin ang ulo niya.

“Napakamaldita ko. Nagiging halimaw talaga ako. Hindi namin alam kung bakit. Iyun na pala iyun. Napakametikuloso ko sa mga bagay bagay,” bulalas ni Angelica.

Nakumpirma lang daw niya sa pregnancy test na ginawa niya nung pagpasok daw niya sa lock-in taping ng sitcom na gagawin nila dapat ni Piolo Pascual.

Nagulat daw ang mga kasamahan niya na nagtitili siya, dahil sa resulta ng pregnancy test. Kailangan na niyang harapin ang pagbubuntis, kaya umatras na ito sa nasabing sitcom. “Pumunta lang ako sa set, umihi tapos umalis din.

“Kapapasok ko lang. Napaka-diva ng anak ko di ba? Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko,” saad pa ng Kapamilya actress.

Ngayon ay patuloy daw siya sa pagri-research ng mga nagdadalangtao, hanggang sa naloloka na raw siya sa mga nababasa niya at napapanood niya sa You Tube. Kaya gusto na lang daw niyang matuto sa sarili niya.

“Totoo yung term na nakaka-overwhelm everyday. Gusto ko siyempreng matuto on my own. Sure naman ako na marami akong matutunan,” pakli niya.

Ang isa nga raw sa naiisip niya ay kung puwede lang daw burahin ang mga pinagsasabi niya sa mga past interview nung kabataan niya na kung anu-anong kalokahan ang sinuong niya. “Diyos ko! Pag na-research ‘to ng anak ko, maibabalik sa akin ‘yung mga pagkakamali ko nun.

“Kailangan ko na lang magawan ng paraan ito para maging positive ito sa kanya,” natatawa niyang pahayag.

Ngayon din ay naiisip daw niyang mahirapan siyang bumalik sa trabaho kapag full-time mommy na siya ng anak nila ni Gregg. “Hindi ko nga alam kung makakabalik ako sa work. Tulad nga ng sinabi ko kanina na “kaya ko bang umalis!”

“Hindi ko maiwan ‘to. Isa iyun sa malaking malaking pagbabago. Talagang magiging pihikan ka talaga sa mga trabaho.

“Ano ang magiging kasing worthy ng time mo, ng moment mo na kasama ang anak mo, para iwan mo siya at gawin mo ‘tong project na ‘to,” saad niya.

“I’m sure mami-miss ko, mami-miss ako ng mga tao. Mami-miss ko talaga. Ngayon pa lang nami-miss ko na e. Pero hindi e. Iba e. Matagal ko ‘tong hinintay e.

Wala akong tanging pangarap sa buhay ko kundi magkaroon ng sarili kong pamilya,” seryoso na niyang pahayag.

Andrea, maraming naging karanasan sa Argentina

Masaya at unforgettable para kay Andrea Torres ang experience niya sa paggawa ng pelikula sa Argentina.

Napabalita na noon na ang Kapuso actress ang napi­ling lead actress sa pelikulang Pasional na co-production ng Malevo Films ng Argentina at GMA Network.

Si Andrea ang gaganap bilang si Mahalia, isang Tango dancer na naging jury member para sa isang international Tango Dance Festival.

Ang leading man niya rito ay ang kilalang Argentinian actor na si Marcelo Melingo bilang si Norberto, isang Biologist.

Bukod kay Marcelo, nandito rin ang buong team ng Malevo Films ng Argentina, ang Assistant Director na si Mr. Nicolas Cacciavillani, ang producer na si Luciano Croatto, Director of Photography na si Gio Croatto at ang director na si Francisco D’Intino.

Na-enjoy daw nila ang experience nila dito sa Pilipinas, kaya gusto nilang bumalik pa.

Kung matutuloy ang showing dito sa November, maaring babalik sila para sa promo nito. Gusto rin naman ni Andrea na bumawi sa magandang pagtrato sa kanya nung nag-shoot siya sa Argentina.

“Sa Argentina, naikot nila ako dun sobra. Ang dami nilang mga na-explain sa akin na lugar dun. And siyempre, na-meet ko rin iba pang mga kaibigan nila dun. So, feeling ko mas nakilala ko sila nang husto. Nanood din ako ng play ni Marcelo na siya ‘yung nagdirek. I enjoy a lot, kasi inayos nila lahat. They made sure na maging comfortable ako. They made sure na bawat eksena magiging smooth, yung ganyan. So, maganda. Maganda ‘yung memories ko sa country nila,” kuwento ni Andrea.

Kaya habang nandito sila sa Pilipinas, sinikap din ng Kapuso actress na ma-enjoy nila ang Pilipinas. “Dito naman sa Philippines, siyempre between ng work nagkaroon kami ng time to swim, to meet together.

“Na-celebrate namin ‘yung birthday ni Nico, birthday ko. “Yung mga ganun. Ngayon nga medyo nalulungkot na kami kasi magka-cast party na kami. Malapit na silang umuwi, pero looking forward sa pagbalik nila rito at pagbalik ko rin dun,” dagdag pa niyang pahayag.

May mga sexy scene si Andrea sa pelikulang ito, dahil Pasional nga ang title at kailangang maipakita ang passion ng pagmamahalan ng dalawang bida.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with