^

PSN Showbiz

Dimples, hindi kayang protektahan ang mga anak 24/7

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dimples, hindi kayang protektahan ang mga anak 24/7
Dimples at Callie
STAR/ File

Noong Biyernes ay nagtapos na ang teleseryeng Viral Scandal na pinagbidahan ni Charlie Dizon. Kabilang din si Dimples Romana sa natu­rang proyekto na siyang gumanap bilang ina ni Charlie. Para kay Dimples ay talagang espesyal ang kanyang ginampanang karakter sa nagwakas na serye. “Sa character ni Kakay Sicat, pinalakas talaga ako nito. As in pinaalala sa akin na ang kababaihan may taglay talaga na kalakasan. ‘Yung Viral Scandal ‘yung isa sa pinaka-nagdagdag ng pagkaespesyal niya para sa akin. I really make sure that all my characters, may it be called small or is it a markadong karakter, I always just make sure that it will be memorable,” paglalahad ni Dimples.

Kasalukuyang nasa Australia ang panganay na anak ng aktres at asawang si Boyet Ahmee na si Callie. Ipinagbubuntis naman ni Dimples ngayon ang kanilang pangatlong anak ng mister. Sinisiguro umano ng mag-asawa na maayos ang ginagawang pagpapalaki sa mga anak upang hangga’t maaari ay hindi masangkot sa ano mang iskandalo. “We don’t base our parenting on any achievements whatsoever. I have zero expectations of my children. That’s why they’re very expressive of themselves. They’re free to live however they want to live. That’s how I protect them from all these things. I can’t protect them 24/7. Callie is in Australia, Alonzo is at home, pero at the end of the day, gustuhin ko man maging nando’n at mother of three naman ako, we want to be with our children 24/7, we can’t do that,” paliwanag ng aktres.

Mccoy, pinangarap itakas si Elisse

Mula nang naging housemates sa Pinoy Big Brother noong 2016 ay gusto na umanong isama ni McCoy de Leon sa Elisse Joson sa ibang bansa. Pinapangarap daw talaga noon ni McCoy na makapagbakasyon sa ibang bansa na kasama ang aktres. “Madaming beses, lagi ko siyang gustong itakas sa ibang bansa. Pero siyempre bata pa ako noon. Hindi pa ako nakaipon, gano’n dating love team namin sobrang araw-araw ‘yung trabaho namin kaya siguro ‘yung time na ‘yon din makakahadlang. Kumbaga, konti lang talaga ‘yung free time namin. Kahit makapag-ibang lugar mahirap din kasi,  oras talaga. Pero ito ngayon minsan nagbabalak kami magdito-dito muna. Out of town muna, galing nga kami ng Bohol no’ng nakaraan. Pero hindi nawawala sa amin ‘yung excitement pa rin,” pagbabahagi ni McCoy.

Mahigit isang taon na ngayon ang anak ng magkasintahan na si Felize. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw talagang ipasyal ng aktor ang kanyang mag-ina sa ibang bansa. “Oo, kasi for me na-realize ko sa pandemic na life is short and hindi natin masasabi “yung buhay eh. At the same time parang maging safe din. Kaya itong mga nangyari sa amin ngayon, gusto ko iparanas sa kanya na makapunta sa ibang lugar and at the same time sa baby namin gusto naming mapasaya,” giit niya.

Para kay McCoy ay gusto lamang niyang sulitin ang mga sandali o panahon na kasama ang kanilang anak ni Elisse at masubaybayan ang paglaki ng bata. “Expected naman na merong hard times kasi meron talagang pagsubok in the future pero ang importante ‘yung journey din namin. ‘Yung journey and progress niya gro­wing up. Ang saya ma-witness and memories din with her. Wala kami halos hirap pero gusto naming mahirapan para matuto pa,’ makahulugang pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with