^

PSN Showbiz

Dalawang celeb, pinaghahandaan ang election protest

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pinalad sa nakaraang eleksyon ang dalawang celebrities na sinubukang pasukin ang pulitika.

Akala ko tanggap na nila ang pagkabigo, pero may balak pala silang mag-file ng election protest.

Nakiusap lang sa amin na huwag muna silang ibalita at baka paghandaan pa raw ng mga kalaban.

Inaayos pa nila ang mga nakalap na ebidensya, at may kinausap na silang election lawyer, kaya mga ilang araw pa raw, isusumite na raw nila ang kanilang protesta laban sa nanalong kalaban nila.

Maglalabas daw sila ng statement kaugnay dito, depende sa payo ng kanilang abogado.

Bubble Gang, binihisan ng GMA

Simula sa May 27, Biyernes, ay bagong Bubble Gang na ang mapapanood.

Bagong look, bagong konsepto, at ito na nga ang naibalita natin noon na nagtanggal ng sampung cast members, at merong tatlong ipinasok.

Ang tatlong bagong members ng longest-running gag show na ito ay sina Tuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim de Leon.

Sabi ng consultant nilang si Ms. Bang Arespacochaga, kailangan din nilang mag-adjust sa mga bagong uso ngayon kaya kailangang magkaroon ng reformat.

Nandiyan pa rin siyempre ang head ng Creatives na si Michael V. Kasama pa rin sina Paolo Contis, Sef Cadayona, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Barro, Faye Lo­renzo at Kokoy de Santos.

Sabi ni Ms. Bang sa mediacon nito: “We really wanna relaunch Bubble Gang para maging fresh at bago. After the lockdown kasi, siyempre medyo naaberya tayo dun.

“So now that we are more relaxed… ngayon is the best time for us to come up a new Bubble Gang. We wanna offer our viewers something fresh and new kaya we have new sets of members.”

Sa mediacon pa rin ng Bubble Gang ay hini­ngan namin ng pahayag si Archie Alemania kaugnay sa ginawa niya sa isang campaign sortie ng Uniteam na kung saan ay parang ginaya niya ang ginawa ni Gab Valenciano sa isang kampanya nina VP Leni Robredo.

Nag-react doon si Gab na kung saan ay ni-repost niya ang video na ‘yun ni Archie at may caption na “Game over.”

“Nung sinabi niya, pabiro lang siguro ‘yun. Wala naman akong masamang tinapay kahit kanino man,” pakli niya sa ipinost na ‘yun ni Gab.

Nilinaw ni Archie na ginawa niya ‘yun, hindi para pagtawanan si Gab.

“Kung ano man ‘yung ginawa ko, bale sa akin ginawa ko bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar.

“Ang gusto ko, ako ‘yung pagtawanan ng tao sa ginawa ko. Hindi sa ginawa ko pagtawanan ‘yung ibang tao. Iyon lang sa akin.”

Hindi pa raw sila nagkausap ni Gab, pero sa tingin daw niya walang isyu ‘yun at sa pagkakaalam daw niya ay okay sila nito pati ang mommy nitong si Angeli Pangilinan-Valenciano.

“Siguro, magku-cross naman kami ng path ni Gab siguro. Hindi pa naman kami nagti-text o nagtatawagan. Pero, we gonna cross path, ang liit lang naman ng showbiz e. Magkakausap at magkakausap kami.

“Makaklaro rin ‘yan. Wala ‘yan. Maliit na bagay,” dagdag niyang pahayag.

Rayver, pinaghahandaan ang birthday ng dyowa

May pa-surprise kaya si Rayver Cruz sa birthday celebration ni Julie Anne San Jose?

Sa pagkakaalam ko, sa Lunes ay may celebration na ang Limitless star, pero sa Martes, May 17 pa talaga ang kanyang kaarawan.

Kinulit-kulit ko nga ang ilang taong malapit sa dalawa, pero wala raw talaga silang alam.

Tahimik lang daw kasi si Rayver, pero alam nila may pinag­hahandaan ito para sa kaarawan ni Julie Anne.

Ang hinihintay na lang nga ay umamin silang dalawa, pero sabi ng ilang napagtanungan namin, hindi naman daw sila nagmamadali.

Ang laki raw ng respeto ni Rayver sa magulang ni Julie Anne, kaya nga tanggap na tanggap siya kapag dumadalaw ito nang madalas.

Ngayong tanghali ay isi-celebrate sa All-Out Sundays ang 28th birthday ni Julie Anne, at kasabay pa niya si Jessica Villarubin.

Pagkatapos ng AOS ay muling mapapanood ang Breathe episode ng Limitless: A Musical Trilogy nito at ang part two na Heal ay sa May 22 at sa May 29 naman ang part 3 na Rise.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with