^

PSN Showbiz

Mother Lily, ‘di halos makahinga sa championship ng UP

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Proud na proud si Mother Lily Monteverde sa latest achievement ng anak na si Goldwin Monteverde!

Naipanalo ni Goldwin ang college basketball team ng University of the Philippines Fighting Maroons laban sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP. Nagtagumpay ang UP na gibain ang Ateneo dynasty na namayani sa UAAP nang maraming taon!

“Hindi ako makahinga habang nanonood! Sigaw ako nang sigaw! I am so proud of my son Goldwin!,” sabi sa amin ni Mother Lily sa phone.

Sa game na ‘yon, natabunan ng isang JD Cagulangan ang isa sa prized players ng UP, ang occasional actor din na si Ricci Rivero, huh! Nasa final game na ginawa sa MOA si Andrea Brillantes na inalok niyang maging GF nang manood ito sa isa sa UP games.

Si Goldwin lamang ang anak ni Mother Lily na hindi nalinya sa showbiz. But still, Goldwin made his Mama proud!

James, barakung-barako

Kumalat ang video sa social media ng paghalik ng isang lalaki sa pisngi ni James Reid. Kaugnay ito ng 29th birthday celebration ni James na nasa ibang bansa.

Nag-Maritess ang maraming netizens sa video na ‘yon. Nag-trending sa Twitter ang hashtag na #JamesReid kahapon. Hinusgahan agad si James na bading!

Kabaliw talaga ang mga netizen. Imposible namang maging bading si James eh alam naman ng publiko ang naging relasyon nila ni Nadine Lustre, huh!

Barakung-barako si James at patahimikin na siya ngayong nag-goodbye na siya sa local showbiz!

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with