^

PSN Showbiz

Fanny, naging bucket list ng mga baguhang artista noon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Fanny, naging bucket list ng mga baguhang artista noon
Fanny Serrano.

Kakalungkot ang pagkamatay ni Fanny Serrano. Isa siyang icon dahil magic ang kanyang hair and makeup sa clients niya. Kilalang-kilala siya as stylist / make-up artist nina Lorna Tolentino at Sharon Cuneta.

Isa sa bucket list ng sinumang bagong star noon sa showbiz na sana mahawakan siya ng magic hands ni Fanny Serrano.

Ang maganda pa sa kanya very helpful siya, accomodating lalo sa mga baguhan. Kaya naman pambansang Tita Fanny siya para sa lahat.

Parang nawala ang isang pahina ng showbiz sa pagkawala ni Fanny Serrano.

So sad dahil parang isang yugto o isang episode ng isang serye ang napunit.

Condolence sa pamilya. Rest in peace, Tita Fanny, kailangan ka nang magpahinga dahil marami na ang gumanda dahil sa iyo.

Maganda rin ang mga naiwan mong alaala.

Manny, uuwi na lang sa GenSan?!

Nakita ko ang anak ni Manny Pacquiao na lalaban sa isang boxing match sa USA.

 Siguro nga dahil boxer ang ama niya kaya gusto ring sundan ng anak ang career ng boxing.

Mahirap mang pantayan ang record na nagawa ni Manny Pacquiao, puwede rin namang mabigyan ng chance ang anak na maging icon din.

Suwerte ng mga anak ni Manny dahil sa magagandang school sila nag-aaral. Iyon na siguro ang pinakamagandang investment na magagawa nila dahil never mawawala ang pinag-aralan ng isang tao.

Suwerte ng mga anak nina Manny at Jinkee dahil talagang alagangalaga sila.

Pagkatapos ng boxing, at pumasok sa pulitika parang dito na ang magiging bagong mundo ni Manny.

Kung ‘di man palarin uli sa Senado, puwedeng bumalik si Manny sa GenSan at doon tumakbo sa mga local position. Manny Pacquiao is Manny Pacquiao, kaya hindi puwedeng mawala sa eksena.

vuukle comment

FANNY SERRANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with