^

PSN Showbiz

Joshua, hindi pinagdamutan nina Charlie at Jameson

SHOWBIZ GANERN! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, hindi pinagdamutan nina Charlie at Jameson
Joshua
STAR/ File

Mamayang gabi ay magtatapos na ang teleseryeng Viral Scandal na pinagbibidahan ni Charlie Dizon. Sina Joshua Garcia at Jameson Blake ang nakatambal ng aktres sa naturang proyekto. Malaki umano ang pasasalamat si Joshua dahil nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang dalawa. “Thankful ako na nakatrabaho ko silang dalawa, si Charlie at Jameson. Kasi hindi sila madamot na artista. Nagbibigay sila ng emotion sa lahat. Ginagawa nila nang maayos ang trabaho nila. Kaya salamat sa inyo,” bungad ni Joshua.

Masayang-masaya ang aktor dahil sa loob ng anim na buwan ay naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang programa. “Ang dami na naming na-share na emotions sa isa’t isa. Do’n pa lang alam mong close na rin kayo. Actually natutuwa ako sa mga tao sa Twitter. ‘Pag nagte-taping kami sa labas ang tawag nila sa akin sir Kyle. Tapos hinahanap nila sa akin si Rica palagi. So nakakatuwa lang, alam kong nakatutok rin ‘yung mga tao,” pahayag ng binata.

Ayon kay Joshua ay marami rin siyang mga bagay na natutunan habang ginagawa ang serye. “I think more than sa character ko, mas marami akong natutunan sa cast. Kung paano sila sa trabaho and paano sila mag-prepare as an actor. Mas marami akong natutunan sa mga kasama ko kaysa character ko mismo. Kasi sa character ko naman challenging siya para sa akin kasi sa isang araw iba’t ibang emotion ‘yung binibigay namin sa isa’t isa. Masaya ako kasi na-experience ko makatrabaho ‘yung mga kasama ko sa cast. Thankful ako sa craft na shinare nila sa akin, sa mga wisdom ng mga ate at kuya sa cast, lalo na kay Ms. Dimples Romana,” paliwanag ng aktor.

Jane, pinupuri ng mga katrabaho

Kabilang si Dawn Chang sa mga gumaganap sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Napahanga raw si Dawn sa pagiging masipag na aktres ni Jane. “Jane is very hardworking. Bihira namin siya makasama off cam. Mas marami siyang on cam kasi Jane is working every single day. Literal na araw-araw nandoon siya. Kami may mga day off kami. Siya wala, ‘yung pagod, ‘yung hirap physically, mentally, emotionally sa kanya kasi bilang Darna siya. She’s very hardworking. Hindi man namin siya nakakasama sa mga bonding naming off cam but on the set she’s very professional,” pagbabahagi ni Dawn.

Patuloy pa rin ipinatutupad ang lock-in taping kaya ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate ay nakabuo na rin sila ng isang pamilya sa set. “May pros and cons ang lock-in taping pero ang ginawa nitong bubble namin, naging family talaga kami. Family in a sense na kanya-kanya kami ng role sa aming ginagampanang series. Pero sa loob ng bubble ay may kanya-kanya rin kaming role. Feeling nga namin, sabi naming lagi, ‘Ano ba ito? Darna ba ito o PBB ba ito?’ Kasi laging may sari-sarili kaming drama sa buhay,” nakangiting kwento ng aktres.
(Reports from JCC)

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with