^

PSN Showbiz

Kakie, ayaw manahimik sa resulta ng eleksyon

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Kakie, ayaw manahimik sa resulta ng eleksyon
Frankie Pangilinan.

Binabato ng batikos ngayon si Kakie o Frankie Pangilinan, anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.

Gaya ng ibang pinklawans, hindi rin masaya si Kakie sa resulta ng eleksyon.

Bahagi ng post ni Frankie sa social media account niya, “I think the truth is, it’s not just about the election anymore. E. Because I think na data shows, clearly, this election was bought a long, long time ago and that’s something that we will not take sitting down.”

Samantala, ang nanay niyang si Sharon Cuneta ay tahimik sa kanyang Instagram at walang inilalabas na reaksyon sa resulta ng halalan.

Pumanaw na rin kasi ang kaibigan/confidante niyang stylist na si Fanny Serrano.

 

Andrea, warak sa social media matapos hanapan ng utak ang ibang botante

Naglabas ng saloobin ang young actress na si Andrea Brillantes sa Twitter kaugnay ng resulta ng botohan sa presidente.

Suportado ni Brillantes si Leni Robredo pero sa naglabasang bilangan, malaki ang lamang ni Bongbong Marcos.

“Seriously people???Nasaan ang mga utak nyo???” tweet ni Andrea.

Sinagot ang young actress ng isang netizen at hinalungkat ang kumalat noon na umano’y sex video ni Andrea.

Malaswa na ang pagsupalpal kay Andrea ng netizen kaya hindi na namin isinama rito.

vuukle comment

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with