^

PSN Showbiz

Iana, napi-pressure dahil sa inang si Angel

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Iana, napi-pressure dahil sa inang si Angel
Iana at Angel
STAR/ File

Katulad ng inang si Angel Aquino ay aktibo na rin sa show business si Iana Bernardez. Kabilang ang dalaga sa iWantTFC series na Misis Piggy na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Ang apelyido umano ng kanyang ama ang ginamit ni Iana upang mapahiwalay sa anino ni Angel. “I think helpful na when we use our father’s names because our fathers aren’t in the industry. At least for me, hindi agad-agad alam (na anak ni Angel). Kasi sabi kamukha ko daw siya. So ‘pag ginamit ko pa ‘yung Aquino, automatic may shadow na ni mommy which I don’t mind. I’m so proud of my mom. She’s a beautiful woman, a great actress. I’m very proud of her but she allowed me to get in the industry on my own feet. No’ng pinasok ko ‘yung pag-aartista, yes, medyo na-pressure ako. Kasi si Angel Aquino magandang babae, she’s at her age now and she still looks that beautiful. Actually do’n ako medyo napi-presure na parang, ‘My God, pagtanda ko magiging gano’n kaganda ba ako,” natatawang pahayag ni Iana.

Nangangarap ang dalaga na makilala rin sa larangan ng pag-arte. Aminado si Iana na nakararamdam ng pressure para sa sasabihin ng mga tao tungkol sa kanyang talento. “In terms of acting, yes I feel pressured kasi very critical tayo as an audience na parang, ‘Ba’t siya artista? So ‘pag ako ‘yung sinalang do’n, actually ‘yung pressure not actually from my mom. But I know the conversations that happen in the monitor, behind th scenes. I know how people talk about actors. So ‘pag ako ‘yung nasa harap ng caera, inisip ko, ‘Anong sabi ng producers, ng directors? Sana happy sila.’ Actually do’n ako napi-pressure. In terms of my mom, generous siya to a limit so I work hard. We’ve never worked together. That’s my dream, sana we work together someday. Sana malapit na,” pagbabahagi ng baguhang aktres.

Charlie, nagpasalamat kina Joshua at Jameson!

Ngayong Biyernes ay magwawakas na ang teleseryeng Viral Scandal na pinagbibidahan ni Charlie Dizon. Ayon sa aktres ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula sa serye. “Sobrang meaningful and sobrang memorable. Ang dami kong natutunan din pati sa sarili ko. Ang dami kong na-experience na nakaka-challenge and masaya ako na sila ‘yung mga nakasama ko during those times kasi sobrang passionate ng lahat,” bungad ni Charlie.

Mula nang tanghaling Best Actress noong 2020 para sa pelikulang Fan Girl ay malaking tulong din sa pagkatao ni Charlie ang Viral Scandal. “Ang laki rin ng trinansform sa akin ng Viral Scandal. Feeling ko may nagbago sa akin talaga. I became stronger, mas na­ging open ‘yung mind ko sa mga nangyari sa paligid, sa social issues. Masasabi ko na proud na proud ako na nagawa ko itong Viral Scandal and naging part ako ng show na ito at nakasama ko lahat ng kasama ko dito,” paliwanag ng dalaga.

Masayang-masaya si Charlie dahil bukod sa kwento ng kanilang serye ay tinangkilik din ng mga tagahanga ang tambalan nila ni Joshua Garcia at Jameson Blake. “Sobrang thankful ako na silang dalawa ‘yung nakasama ko sa show. Si Jameson kasi nakasama ko na rin siya sa ibang shows. For Joshua ngayon ko lang siya naka-partner. Thankful ako na tinanggap talaga ng mga tao ‘yung team up namin. Ang aming team Kyle at team Axle. Nakikita ko ‘yung reactions sa Twitter, sa Instagram, Facebook, sa lahat. Grateful ako na nakasama ko sila and mababait talaga sila sa akin,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

IANA BERNARDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with