^

PSN Showbiz

Ana Jalandoni back to work, tuhog sa magkapatid na Aljur at Vin

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ana Jalandoni back to work, tuhog sa magkapatid na Aljur at Vin
Ana Jalandoni at Aljur
STAR/ File

Back to work na ang controversial showbiz personality na si Ana Jalandoni.

Kamakailan ay nagkita sila ng new leading man niyang si Aljur Abrenica at ilang mga taong konektado sa pelikulang gagawin nila.

Kasama rin sa cast ang brother ni Aljur na si Vin Abrenica. So, ‘tutuhugin’ ng magkapatid si Ana, huh!

Bukas ay magkakasama ang tatlo para sa story conference ng kanilang pelikula na produced ng Hand Held Entertainment Production.

Kuwento sa amin ni Leo Dominguez na manager ni Aljur, sa May 16 ang pull-out ng grupo para sa kanilang lock-in shooting sa Tagaytay City.

Teka! Hindi ba sa lugar na ‘yon nangyari ‘yung assault complaint ni Ana against ex-boyfriend Kit Thompson? Sana hindi madaanan ng aktres ang lugar na ‘yon at baka ang ending ay maging emotional siya, huh!

Agree, Ateng Salve? (Agree ateng. Uy happy birthday ateng.  Cheers to you for another trip around the sun! - Salve A.)

Sexy star consistent sa inililihim na anak

I just wonder noong Sunday kaya na Mother’s Day ay binati ng kanyang pamilya at mga kakilala na nakakaalam ng kanyang lihim ang isang sexy star?

Marami na rin naman kasi ang nakakaalam na isa na ring mother si sexy star bago pa man siya nag-artista.

Pero bago kayo mag-isip, hindi ang ex-boyfriend niyang taga-showbiz ang tatay ng anak niya dahil sabi nga namin, nagkaanak na si sexy star noong wala pa siya sa showbiz.

Sa susunod na Mother’s Day kaya ay naamin na ni sexy star ang tungkol sa pagiging isa niyang ina para mabati na rin siya ng “Happy Mother’s Day”?

Well... well... well...

Sa tingin naman namin ay hindi makakaapekto sa career ni sexy star ang pagiging isang ina niya dahil talaga namang kung titingnan mong mabuti ang kanyang katawan ay parang hindi pa naman siya nanganganak, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

ANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with