^

PSN Showbiz

Dingdong, maraming obserbasyon!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, maraming obserbasyon!
Dingdong
STAR/ File

Ngayong araw ay ginaganap ang halalan sa buong bansa. Mayroong ilang paalala si Dingdong Dantes sa lahat ng botante kung paano pumili ng mga karapat-dapat na kandidato. “Mga magulang tayo ngayon, mag-42 na ako. Being in the entertainment industry, siyempre I had the opportunity to be a volunteer of various causes. Base sa mga observations ko and discernment, ito ay isa sa mga pinakamahalagang eleksyon ng ating heneras­yon. We are still in the midst of pandemic, and it’s a highly volatile world. And napaka-uncertain ng lahat ng nangyayari, which makes things more complicated,” pahayag ni Dingdong.

Dapat umanong pakaisipin ng lahat ng magulang ang kapakanan ng mga anak kaya piliing mabuti kung sino ang mga dapat manungkulan sa gobyerno. “It’s about the future of our children. This is about choosing the kind of leadership whom we think we deserve and is capable of addressing the challenges of the pande­mic and all the other problems,” giit niya.

Anu-ano nga ba ang mga hinahanap na katangian ni Dingdong sa isang kandidato upang kanyang iboto? “Para sa akin, very, very clear, gusto ko ay may integridad, gusto ko competent siya. Gusto ko ‘yung values niya for humanity ay talagang nasa frontline ng kanyang pinaglalaban. And fourth, ‘yung inspiring. Titingnan ko ngayon ‘yung pangangailangan ng lipunan at ibabangga ko ‘yon. Doon ko pipiliin, ‘Sino kaya ‘yung nagma-match dito sa criteria ko at sa kung ano ‘yung kailangan ng lipunan. I plan, I discern, I act. Meaning you have to act on it. Ie-exercise mo talaga ‘yung right mo to vote. In my case, ini-execute ko na ‘yung role pero para sa atin, for us citizens, it is our right to vote. This is our part to prove that we are responsible citizens participa­ting in this democratic process,” pagbabahagi ng aktor.

Joao, pinakilala na ang bagong mahal

Noong isang buwan ay pinag-usapan sa social media kung sino ang kasamang babae ni Joao Constancia sa post ng aktor sa Instagram. Si Janica Reloxe ang tinutukoy na kasama ng aktor sa larawan na ayon kay Joao ay ito ang kanyang ‘special person.’ “Special person, mahal ko po,” makahulugang pahayag ni Joao.

Dalawang taon nang magkakilala sina Joao at Janica. Para sa binata ay talagang malaki ang naitulong sa kanyang pagkatao ni Janica. “She always helps me or makes me believe that I can be the best person I can. We’ve only known each other for two years po pero sobrang close na po talaga namin and everything. Pero she does make me believe that I can be the best version of myself,” makahulugang pahayag ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with