^

PSN Showbiz

Barbie, aminadong sanay sa tagayan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Barbie, aminadong sanay sa tagayan!
Barbie
STAR/ File

Si Barbie Imperial ang isa sa masipag na nag-ikot sa nakaraang kampanya.

Bukod sa sinusuportahan niyang presidente may ini-endorse rin siyang partylist, at nakatuwaan siya ng mga tinutulungan niyang kandidato dahil wala itong kaarte-arte.

Pati nga ang pakikipagtagayan ay game na game siya kahit hindi naman niya alam kung sino na nakainom dun sa basong inabot sa kanya.

Sabi nga niya sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, probinsyana raw siya kaya sanay raw siya sa mga ganung tagayan lalo na ‘pag sa mga fiesta sa kanilang lugar.

Tinanong na rin ni Ogie kay Barbie ang tungkol sa lovelife at sinabi niyang mas okay muna siyang single at wala raw muna siyang planong makipag-boyfriend, kahit sinabi niyang may mga umaali-aligid na uli sa kanya.

Kaya ewan ko kung manliligaw niya ang ipinost sa isang blog na may kasama siyang lalaking at naglalakad sa isang kampanyang dinaluhan niya.

Nagkita rin sila ni Diego Loyzaga sa isa ring kampanya sa Quezon City at nagkasama nga sila sa isang stage.

Sinabihan daw siya ni Diego na huwag munang umalis, pero hindi na nagtagal si Barbie, hindi na niya hinintay na matapos si Diego.

Sweet, ‘di na kilala ang mga baklang sikat sa social media

Aminado si John Lapus na laos na siya, kaya isa sa fallback niya ang pagdidirek.

Siya ang direktor ng bagong sitcom ng GMA 7 na Jose and Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nagsusulat pa rin siya para sa Daddy’s Gurl, dahil kailangan na raw niyang pa­sukin ang ibang trabaho sa showbiz at tanggap niyang hindi na siya gaanong kilala bilang artista.

Nagpapasalamat naman siya at pinagkatiwalaan siya ng APT Entertainment na magdirek ng isang sitcom sa WeTV, at ngayon ay ito na ngang kina Dingdong at Marian. “I am so thankful na nung nagsimulang maging direktor ako at doon na ako naka-focus, napakasuwerte ko sa mga producer ko. Mga mababait na tao at kilala sa industriya na mababait na tao, madaling kausap, naniniwala sa aking creativity. Malaking bagay ‘yun lalo na sa direktor na bagong pasok sa trabaho ng pagdidirek. Mga tatlong taon pa lang akong direktor,” pahayag ni direk John ‘Sweet’ Lapus.

Gusto pa rin naman daw niyang mag-artista dahil mas malaki ang bayad, pero aminado naman siyang talbog na siya ngayon ng mga mas batang artista, lalo na ‘yung mga baklitang sumikat sa social media. Aniya: “May mga baklang artista na sikat pala sila sa social media, hindi ko na kilala. So, tanggap ko na laos na talaga ako, sila na ‘yung bago.

“Buti na lang nabiyayaan ako ng ibang talent na kaya kong gawin. Kaya nag-aaral ako talaga. Itong pagdidirek, nag-aral ako talaga.

“Saka may time limit naman talaga ang mga baklang artista. Ang mga bida ngayon, hindi ko na kasing-edad. Hindi na ako ang sidekick nila siyempre.

“’Yung mga sinayd-kick-an ko nung araw, nag-retire na rin hindi na gumagawa ng pelikula.”

Pero bilib ang mag-asawang Dingdong at Marian sa galing ni direk Sweet kaya naniniwala silang mas masaya itong kanilang sitcom na magsisimula na sa darating na Sabado, May 14. “Si direk Sweet kasi ay isang artist. At ang isang artist, parating nag-i-evolve and I think natural provision talaga ng isang artist na magkaroon ng maraming destinasyon.

“Kunwari, magsimula ka sa teatro, tele­bisyon, movie at pagdidirek. Who knows after direction, ibang larangan naman ng art. So, we’re very proud and happy to be under his care,” pahayag ni Dingdong.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with