^

PSN Showbiz

KC, nagka-COVID-19 habang nagso-shooting sa New York

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagka-COVID pala si KC Concepcion habang nasa New York at nagsu-shoo­ting ng pelikulang Asian Persuasion. Kaya pala winish siya ni Sharon Cuneta ng “get well soon.”

Kahapon, binati ni KC ng “Happy Mother’s Day” si Sharon, gamit ang old photo nilang mag-ina, binanggit ni KC na may COVID nga siya.

“Mama, happy Mother’s Day! Your voice is all I needed to jumpstart my recovery and win this battle against covid. You are the salt to my pepper, you spice up my life in ways no one else can. I loved you the moment you made me, and I will love you forever and ever. Enjoy your special day today @reallysharoncuneta.”

Marami rin ang nag-wish for KC to get well, lalo at mag-isa lang siya sa New York.

Ang ibig sabihin nito, tigil muna ang shooting ng nabanggit na pelikula na mabuti na lang, sa 2023 pa ang exhibition nito.

Marian, reyna-reyna sa Mother’s Day

Kinantahan nina Zia at Sixto si Marian Rivera ng “Happy Mother’s Day To You” sa tono ng Happy Birthday song at binigyan pa ng kulay pink balloons. Pinost ni Dingdong Dantes ang family photo nila at nilagyan ng caption na “Ang reyna ng aming tahanan. Happy Mother’s Day, Love.”

Kinakiligan ng fans ang sagot ni Marian sa greetings ni Dingdong na “Love you mahal. Salamat sa walang hanggang pagmamahal.”

Binati naman ni Marian ng “Happy Mother’s Day ang mom niya at kanyang lola sabay ng pasasalamat. “Mapalad akong magkaroon ng dalawang ina sa buhay ko. Salamat sa inyong dalawa. Happy Mother’s Day din sa lahat ng dakilang ia! #SalamatAmaSaBiyayaNgPagmamahal.”

Napansin pala namin na laging bulaklakin ang suot na damit ni Ma­rian ngayon at ito’y dahil sa sitcom nila ni Dingdong na Jose & Maria’s Bonggang Villa na premiere na sa May 14, 7:15 p.m.

Sa mediacon nga ng sitcom, bulaklakin din ang damit na suot ni Marian.

Lj, tinuturuang maging independent ang mga anak habang ‘di kapiling ang mga tatay...

Nagulat, pero very proud si Paulo Avelino nang dalawin sa New York ang anak na si Aki dahil very independent na raw. Ganu’n din sigurado ang mapi-feel ni Paolo Contis kapag muli silang nagkita ng anak na si Summer dahil tini-train na ni LJ Reyes na maging independent si Summer.

Pinost ni LJ ang photo na nasa train si Summer, hindi siya kasama, pero may adult itong kasama. Ang caption ni LJ sa picture ay “Start them young! It’s Summer’s train time, of course, with Wonder Jane by her side to keep her safe and protected.”

Ang gandang pagmasdan ni Summer na nakaupo lang sa train at may suot na face mask. Ang ganda rin ng comments ng followers ni LJ kay Summer na sa New York na yata lalaki at baka, dalaga na pagbalik ng Pilipinas.

May isa pang photo si Summer na pinost si LJ at binanggit ang beautiful eyes ng anak. Of course, may bagong post na larawan din si LJ kay Aki na pinansin din ang kagwapuhan ng bagets at ang mabilis na paglaki. At least si Aki, nabisita ni Paulo at hindi ito magugulat kung sa muli nilang pagkikita, binata na ang anak. 

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with