GMA, buong puwersa sa pinakamalawak na Eleksyon
Magsasanib-puwersa para sa Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage ang 51 election coverage partners ng GMA, mahigit 1,000 News and Public Affairs personnel sa lahat ng platforms, 11 regional TV stations, at 23 Super Radyo at Barangay FM stations nationwide.
On-air, maaaring tutukan ang marathon coverage ng GMA, kasama na ang Kapuso newscasts na 24 Oras at Saksi, mula alas-kuwatro ng umaga ng May 9 hanggang alas-dose ng tanghali ng May 10.
Mapapanood din sa GTV ang Eleksyon 2022 special coverage na dinagdagan pa ng Dobol B TV, Regional TV News, Balitanghali, at State of the Nation.
Mangunguna sa special coverage ng Kapuso Network sina GMA News pillars Jessica Soho, Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Mike Enriquez.
Makakasama rin nila sina Kara David, Ivan Mayrina, Atom Araullo, Maki Pulido, Pia Arcangel, Raffy Tima, Connie Sison, Sandra Aguinaldo, Susan Enriquez, Jun Veneracion, Mariz Umali, Emil Sumangil, Malou Mangahas, at ang buong puwersa ng GMA News and Public Affairs.
Kakaiba rin diumano ang presentasyon ng mga balita at impormasyon sa pamamagitan ng latest version ng Vizrt Graphics Solutions at bagong state-of-the-art set na dinisenyo ng Emmy award-winning US firm na FX Design Group.
Magkakaroon din sila ng Eleksyon 2022 Help Desk sa lahat ng RTV stations.
Para naman sa mga Pinoy abroad, mapapanood nang live sa GMA Pinoy TV at GMA News TV ang “#StrongerTogether Election 2022 Special Coverage.” Magpapalabas din ng karagdagang updates sa Balitanghali via GMA Life TV.
- Latest