^

PSN Showbiz

Melissa, may PCOS kaya nahirapang magbuntis

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Melissa, may PCOS kaya nahirapang magbuntis
Melissa at Rocco.

Ang saya ng mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing nang ibahagi nila sa kanilang YouTube channel na finally ay magkaka-baby na sila.

Nasa lock-in taping si Rocco nang ibalita sa kanya ni Melissa sa kanilang video chat na nakapag-pregnancy test na siya. Pero para matiyak kung talagang buntis na siya nagpa-test uli siya na ibang proseso ito, na digital at mas accurate.

Sa video chat nila ginawa ni Melissa ang pregnancy test at sabay nilang nakita ang resulta, at lumabas na pregnant nga siya.

Pareho silang napaiyak dahil matagal na pala nilang hinihingi ito.

Meron kasing Polycystic Ovary Syndrome o PCOS si Melissa kaya nahirapan siyang magbuntis. Kaya humingi sila ng tulong sa kaibigan nilang OB-Gyne at awa ng Diyos, nakabuo na sila.

Kaya naging emotional talaga si Rocco dahil ibinigay na raw sa kanila ang matagal na nilang hinihingi sa Diyos.

Nung nakapanayam namin sina Rocco at Melissa nung bagong kasal pa lang sila, sinasabi ni Melissa na kapag nag-decide na siyang mabuntis ay desidido na siyang iwan na ang paglalaro ng volleyball.

Naikuwento nga nila sa kanilang YouTube channel na personal na binibili ni Rocco ang mga pagkaing gusto nito. “Sinigurado ko kung ano ‘yung gusto niya, kasi ‘yung dati niyang favorite, hindi na niya favorite ngayon,” saad ni Rocco sa kanilang vlog.

Paborito raw kasi ni Melissa ang seafood, pero ngayong naglilihi na siya ayaw na ayaw na raw niya ito.

Tinanong namin si Rocco kung ano na ngayon ang pinag­lilihian ni Melissa.

Text sa amin ng Kapuso actor: “Bale gulay and masabaw na pagkain! Hehehe! Biglang ayaw na niya ng seafood and dry food! Basta masabaw okay siya. Ang kailangan katabi ko raw siya laging kumain, kundi malungkot siya hahaha!”

Sabi naman ni Melissa, ang laki raw ng nabago sa kanilang mag-asawa ngayong buntis siya. “Sobrang na-inspire kami sa nangyayari sa aming buhay ngayon,” pahayag ni Melissa.

Nasa ika-4th month na ngayon ang ipinagbubuntis ni Melissa, at next month ay maaaring malalaman na kung ano ang gender ng kanilang magiging baby.

Tinanong ko na uli si Rocco kung boy o girl ba ang gusto niya. “Kahit ano kasi first naman eh! Hehehe! Tsaka na mag-aim ng gender sa 2nd (baby) hehehe!,” text back niya.

Dingdong, ratsada buong linggo

Ang daming ipinost ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa guesting ng pamilya niya sa Family Feud nung nakaraang Biyernes.

Naglaro sina Marian Rivera, kasama ang mga kapatid at mga pinsan ni Dingdong. Ito bale ang Mother’s day episode ng top-rating game show na ito.

Dagdag blessing pa ngayon itong bago nilang sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa na magsisimula na sa May 14, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Kaya ratsada talaga si Dingdong at napapanood na siya sa Kapuso network, mula Lunes hanggang Linggo.

Ani Dingdong; “Tinitingnan ko talaga bawat trabaho bawat opportunity bilang isang blessing talaga na kasi binigay sa ‘yo, pangalagaan mo.

“Ang masasabi ko na napakasuwer­te ko dun pa lang bonus na ‘yun dahil duma­ting ang pangarap ko na gumawa ng isang show with Marian, much more na bumuo ng isang bagong tahanan together with the whole cast.

“Kasi very personal po sa akin at sa amin ito, kaya para sa akin kahit na anong mangyari, sure kami na nag-e-enjoy kami. Sure kami na kahit papano nakakapagpasaya kami ng tao. Pero higit sa lahat, sure kami na marami kaming natututunan within the set. So everything else is a bonus.”

Ikinatuwa nga raw nila na bagong pamilya ang binuo nila rito sa Jose and Maria’s Bonggang Villa lalo na’t sila ang pumili nang makakasama nila rito na sina Benjie Paras, Pekto, Shamaine Buencamino, Pinky Amador, at ang Sparkle loveteam na sina Jamir Zabarte and Sonia Mejia.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with