^

PSN Showbiz

Sharon at Regine, may repeat concert agad sa US

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sharon at Regine, may repeat concert agad sa US
Sharon at Regine

Ang bongga lang, Ateng Salve, dahil may nagkuwento sa akin na sa July 8 pa lang ang kick off sa Las Vegas, Nevada ng Iconic US concert tour nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid pero kinakasa na pala ang repeat no’n, huh!

Ang tsika ng source ko, sa October daw ay babalik ng Amerika plus pupunta rin ng Canada sina Sharon at Regine for Iconic tour.

Eh, ‘di ba, Ateng Salve, naisulat ko na na marami talagang nag-i-inquire for Iconic kaya hindi hindi nga nakakapagtaka na ngayon pa lang ay inaayos na ang repeat ng concert na ‘yon ng Megastar at Asia’s Songbird.

So bongga talaga nina Sharon at Regine, huh! Naka­kabilib.

Richard at Sarah, parang laging hindi nagkikita

Kahapon mula sa Cebu ay bumalik na ng Maynila si Sarah Lahbati dahil may endorsement shoot siya.

Ang mister naman niyang si Richard Gutierrez ay kasama ng parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at mga kapatid na sina Ruffa, Elvis at Ritchie Paul na nagpunta sa General Santos para sa isang event doon.

Mas una ang flight ni Sarah at hindi talaga siya iniwan ni Richard habang hindi nagbo-board ng plane.

Ang sweet-sweet nga ng mag-asawa at parang ang tagal nilang hindi magkikita nang magpaalaman na, eh, today, maaga naman ang flight ni Richard pa-Manila kaya umaga pa lang ay magkasama na sila ni Sarah, huh!

Ang nakakatuwa pa, habang magkasama sila sa airport ay nag-video pa sila sa mga anak na sina Zion at Kai dahil miss na miss na raw nila samantalang less than a day pa lang nilang hindi nakakasama ang mga bata.

Naku, Ateng Salve, kung kasama ka lang namin sa airport ng Mactan, maiinggit ka sa sobrang ka-sweet-an nina Richard at Sarah at mapapa-“Sana all!” ka, ‘noh?! ‘Yun na!

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with