^

PSN Showbiz

Anne, nagre-recruit ng guest

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Anne, nagre-recruit ng guest
Anne Curtis.

Alam mo ba, Ateng Salve, na mara­ming sorpresa ang comeback concert ni Anne Curtis, ang Luv-Anne na mapapanood sa Performing Arts Theater sa Resorts World Manila on June 11?

May nakapagtsika sa akin na may mga kinukuhang mag-guest para sa concert na ‘yon ng Kapamilya star.

Ayon sa isang source, nag-inquire raw ang Viva sa dalawang sikat na singer-actress.

Eh, busy rin sa mga panahong ‘yon ang dalawang sikat na singer-actress kaya hindi pa nga sure kung makakapag-guest ang mga ito sa Luv-Anne.

Madaling kausap ang dalawang sikat na singer-actress at mapagbigay naman sila, pero ang hindi sure ay sa mga schedule nila.

Anyway, maraming mga fan ni Anne ang excited pati celebrity-friend ni Anne para sa concert na ‘yon na siguradong sobrang maghi-hit at ang hula nga namin ay magkakaroon ng repeat.

Bongga!

Anyway, inaabangan na rin ang announcement sa exact date ng pagbabalik ni Anne bilang host ng It’s Showtime ng ABS-CBN na sabi ay sigurado na raw.

Nice!

Sharon at Regine, bibigyan ng tribute ang iconic singer-actress

Excited naman ako para sa Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez on June 17 & 18 sa Marriott Hotel Grand Ballroom.

Exciting ‘yon dahil may special guest ang Megastar at Asia’s Songbird.

Isang very iconic singer-actress ang bibigyan nila ng tri­bute sa concert nilang ‘yon.

Naku, huwag mo akong pilitin na i-reveal kung sino ang singer-actress na bibigyan nina Sharon at Regine ng tribute sa Iconic concert nila, Ateng Salve, huh!

Tamang-tama ang pa-tribute nina Sharon at Regine sa very iconic singer-actress na ‘yon dahil deserve na deserve ng taong ‘yon ang importansiyang ibibigay sa kanya ng Megastar at Asia’s Songbird.

Sobra na nga akong nae-excite sa paghihintay ng June 17 & 18 para sa Iconic concert dahil sa special segment na ‘yon, huh!

So, bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with