^

PSN Showbiz

Dingdong, may nailabas na samang loob ni Marian!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, may nailabas na samang loob ni Marian!
Dingdong at Marian.

Lagare ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nung Huwebes dahil magkakasunod na ipalalabas ang bago nilang programa at ang ginawa nilang documentary.

Dumalo muna sila sa presscon ng bago nilang sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa, at pagkatapos nun ay diretso sila sa special preview ng documentary na dinirek ni Dingdong Dantes na Miss U: The Journey to the Promised Land.

Ginanap ang preview ng naturang documentary sa Dengcar Theater sa Quezon City, na dinaluhan ng GMA 7’s royal couple at si Ma’am Lilybeth Rasonable.

Maganda ang pagkakatahi ng kuwento na sinimulan sa pagpunta ni Marian at Dingdong sa Israel, na kung saan hirap na hirap si Marian na umalis dahil first time niyang maiiwan nang matagal-tagal ang dalawa niyang anak.

Ipinakita ang ilang sidelights sa pag-judge ni Marian sa Miss Universe 2021 at sandali rin niyang nakapanayam doon ang kandidata nating si Beatrice Luigi Gomez.

Pero hindi namin napigilang maluha sa highlight ng kuwento na kung saan may nakapanayam doon si Marian na isang nanay na OFW at nai-relate niya ito sa kanyang buhay nung iniwan din siya ng kanyang Mama sa kanyang lola para magtrabaho sa Europe.

Doon lamang naipahayag ni Marian na minsan ay nagkaroon siya ng sama ng loob sa kanyang ina dahil wala ito sa mga mahahalagang bahagi ng kanyang buhay, kagaya ng graduation at iba pang special events na dapat na daluhan ng isang magulang.

Kaya ang laki ng pasasalamat ni Marian kay Dingdong dahil nabuo ang documentary na ito na kung saan doon nabuksan ang isang bahagi ni Marian, ang relasyon sa kanyang ina.

“First time kong maging open about kay Mama, hindi dahil ready ako. Pero ‘yung nakita ni Dong na parang sabi niya i-share natin kasi hindi lahat na nag-OFW ay okay sila.

“So, etong pagmulat sa mga mata natin na handang pagsakripisyo ng nanay man ‘yan, ng tatay man ‘yan, ang buhay nila para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak nila. Pagbibigay pugay ‘to para sa kanila.

“Hindi ko naman magagawa ang lahat ng ito, at hindi ko naman mabubuo ang Ms. U at ang pangarap na dinadasal ko kung hindi dahil sa kanya.

“So Dad, maraming salamat sa docu na ito. Sabi ko nga sa ‘yo, iti-treasure ko ‘to kasi ito ‘yung remembrance ko kung gaano ko kamahal ang mama ko,” saad ni Marian.

Sabi nga ni Dingdong, dito sa documentary na ito ay lalo raw niyang nakilala ang kanyang asawa.

Sa loob ng 14 years nilang pagsasama na kung saan ay seven years muna ang kanilang relasyon hanggang sa nagpakasal sila, at ngayon ay pitong taon na rin silang mag-asawa, ay meron pa pala siyang hindi alam kay Marian.

“That’s why I’d like to share with you what I witnessed. I‘d like to share with you my journey as a storyteller, what I saw in her mom, and what I saw in the stories of the Filipinos working abroad,” pahayag naman ni Dingdong.

Mapapanood na ngayong 2:30 ng hapon itong binuong documentary nilang Miss U: The Journey to the Promised Land na production ng Agosto Dos Media at ang APT Entertainment sa pakikipagtulungan ng GMA 7.

Agimat… final episode na

Ngayong gabi naman ang final episode ng Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla.

Wala raw siyang masabi sa lahat na mga nakasama niya sa book two nito, kaya kung magkaka-book three man, malamang na kasali pa rin sila.

Hindi pa naman daw napapag-usapan kung magkaka-book three, pero naisip din daw niyang magkaroon ng drama series na hango sa isa sa mga box-office hit movies niya.

Tapusin lang daw niya ang eleksyon, at saka na siya makipag-usap sa mga boss ng GMA 7.

Pagkatapos ng Agimat ng Agila, isusunod na ang sitcom nina Dingdong at Marian na Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Sa May 14 na ito magsisimula pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na malapit na ring magtapos.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with