^

PSN Showbiz

Tribute ni Dingdong Dantes para sa mga nanay, political endorsement daw?

Philstar.com
Tribute ni Dingdong Dantes para sa mga nanay, political endorsement daw?
Mga screenshot na galing sa Mother's Day video ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

MANILA, Philippines — Naglabas ang sikat na actor na si Dingdong Dantes ng bagong video sa kanyang social media accounts Huwebes nang gabi kung saan binibigyan niya ng pugay ang sakripisyo at kagalingan ng mga nanay.

Kasama sa video ang asawa niyang Kapuso actress din na si Marian Rivera patin na rin ina ni Dingdong na si Angeline.

Naniniwala ang mga supporters ni Vice President Leni Robredo na bagamat hindi binanggit ng Kapuso actor ang pangalan ng presidential candidate, ang video ay matuturing na endorsement dahil sa pink na relos na suot ni Dingdong pati na rin ang pagbanggit ng mga slogan ni Robredo.

Nag-trend si "Dingdong Dantes" bilang topic sa Twitter kinagabihan.

Noong nakaraang May 1 naman, nabigo ang mga "kakampink" na dumalo o nanood sa Cavite grand rally ni Robredo nang hindi nila nakitang dumating si Marian.

Naglabas kasi ang mga organizers ng poster para sa rally na may silhouette ng isang Darna na special guest. Samantalang tatlong artista ang madalas sumama sa pink rallies ang gumanap rin na Darna—ito ay sina Angel Locsin, Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Di man dumalo si Marian, matatandaang inendorso nito si Robredo sa pagka-bise noong 2016. Sinuportahan din naman ni Dingdong ang running mate ni Robredo na si Mar Roxas na tumakbong presidente ngunit natalo kay Rodrigo Duterte.

vuukle comment

DARNA

DINGDONG DANTES

LENI ROBREDO

MARIAN RIVERA

MOTHER'S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with