^

PSN Showbiz

Ruffa, nilindol sa Davao

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, nilindol sa Davao
Ruffa
STAR/ File

Umaga pa lang kahapon ay katsikahan ko na si Ruffa Gutierrez.

Nag-message siya sa WhatsApp ko asking, “What’s the news?”

Tinawagan ko siya.

Eh, ako ang tinatanong niya ng balita, siya pala ang maraming kuwento.

Nasa Davao pa kasi si Ruffa nang makatsikahan namin, pero kahapon ng before 4:00 p.m. ay dumating na siya sa Cebu para samahan ang kanyang pamilya sa pag-support sa campaign rally today ni Senator Manny Pacquiao.

Family friend nila sina Sen. Manny at ang misis nito na si Jinkee Pacquiao kaya todo suporta sila sa kandidatura sa pagka-president ng ating Pambansang Kamao.

Anyway, kuwento ni Ruffa, “My gosh, nagising ako past 1:00 a.m. Lumilindol. Nang i-check ko, 3.6 lang ‘yung lindol, pero parang 6 something sa lakas.

“Parang ginigising talaga ako sa naramdaman ko.”

Nasa Davao si Ruffa since Tuesday dahil tumulong siya sa kampanya ng kumare niyang si Karla Estrada.

Third nominee si Karla ng partylist na Tingog kaya two ring nangampanya si Ruffa para sa kanyang kumare. Sa mga hindi nakakaalam, BFF sina Ruffa at Karla at ninang ni Daniel Padilla ang una.

Lala na anak ni Roi, kasali rin sa Bb. Pilipinas 2022

Alam mo, Ateng Salve, isa sa official candidates para sa 2022 Binibining Pilipinas si Maria Isabela David o mas lalong kilala sa screen name na Lala Vinzon.

Anak siya ng veteran actor na si Roi Vinzon.

Tsika ng isang malapit kay Lala, aware raw si Roi sa desisyon ng anak na sumali sa nasabing beauty pageant.

In fairness, beautiful ang anak ni Roi, huh!

Anyway, si Roi nga pala ay part pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Dating taga-GMA 7 si Roi at kung kailan nawalan ng franchise ang Kapamilya Network ay saka siya nagdesisyon na lumipat doon.

Matagal na panahon ding naging exclusive si Roi sa Kapuso Network.

Ang tsika nga pala, isasama si Roi sa isang bagong action-drama series ng ABS-CBN kapag natapos na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

At least hindi siya nagkamali sa paglipat sa Kapamilya Network dahil may next show na kaagad siya, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with