^

PSN Showbiz

Rufa Mae, magiging busy pagbiyahe sa Amerika at Pinas

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae, magiging busy pagbiyahe sa Amerika at Pinas
Trevor, Rufa Mae at Athena
SATR/ File

Ka-text namin si Rufa Mae Quinto na nasa San Francisco, California pagdating ko ng Pilipinas.

Hindi pa raw siya sure kung makakabalik na nga siya sa bansa dahil may show na naman siya sa Los Angeles, California ng May 15.

O baka hindi siya pinayagan ng mister niyang si Trevor Magallanes?

Pero sabi niya, she’s still chec­king daw kung makakasakay siya sa flight ng Monday night.

Eh, kahapon, nag-message uli si P-chi (paboritong tawag sa kanya).

“Hi... here na me,”  text ni P-chi sa amin.

Mukhang magte-taping lang ang sexy comedienne at saka aalis uli papunta ng LA para sa show niya roon.

Dahil nga sa kanyang mister at ilang projects sa Amerika plus commitment niya sa Sparkle ng GMA 7 ay kailangan talagang magpapabalik-balik siya ng Amerika at ‘Pinas.

Ang bongga ni P-chi, huh!

At least, wala pa ring kupas ang byuti niya, ‘noh?!

‘Yun na!

Bangayan sa pulitika ng mga artista, walang epekto ‘pag magkakasama!

Alam mo, Ateng Salve, ang saya lang ng PAL flight namin kahapon pa-Cebu City dahil ang dami naming mga taga-showbiz na magkakasabay.

Sa Mabuhay Lounge pa lang ay nakasabay na namin si Regine Velasquez-Alcasid.

Kasama ni Regine ang sister cum manager niya na si Cacai Velasquez-Mitra at ang isa sa producers ng Iconic concert na si Nancy Yang.

“Long time, no see,” sabi na­min sa misis ni Ogie Alcasid. Biro lang ‘yon dahil dalawa ang mag-asawa sa mga huling dumating sa advance birthday event namin sa SuperSam restaurant noong Tuesday.

Nagpunta sa Cebu si Regine para sa campaign ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Kasama ko naman ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mag-asawang Elvis at Alexa (kasama ang dalawang anak nila), si Ritchie Paul at ang bunso ni Ruffa Gutierrez na si Venice.

Nasa nasabing flight din ang misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valenciano kasama ang anak na si Gab.

Katabi naman namin si senatorial candidate na si Atty. Harry Roque na matsika pala in person.

So, ang saya nga sa flight kahit magkakaibang mga kandidato ang sinusuportahan nila.

Eh, sina Tito Eddie at Bisaya, nakasuot ng shirts promoting Senator Manny Pacquiao.
Sabi nga ni Bisaya kay Tita Angeli, “Magkakaibang team tayo, pero after ng eleksyon sa Monday, bati-bati na uli ang lahat. Hahaha.”

Sana nga, Ateng Salve, ‘yung mga taga-showbiz na nagkagulo-gulo ngayong kampanya dahil sa eleksyon sa Monday ay magkasundo-sundo na after ng botohan, huh!

Well...

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with