^

PSN Showbiz

Sylvia pahinga na, huling proyekto na ang Misis Piggy

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sylvia pahinga na, huling proyekto na ang Misis Piggy
Sylvia Sanchez.

Pansamantalang magpapahinga si Sylvia Sanchez bilang isang aktres sa harap ng kamera. Susubukan naman ni Sylvia ang maging isang producer ngayon. “Magpapahinga ako onscreen, as artista pero nasa likod naman ng camera. Sabi ko kay Ria (Atayde, anak ng aktres), ‘Ria, ikaw na ‘yan. Papahinga na muna ako the whole year.’ Kasi after Greatest Love, Hanggang Saan, Pamilya Ko, sunud-sunod eh. Itong Huwag Kang Mangamba, hindi ako nakapagpahinga eh. So sabi niya, ‘Mommy pahinga ka.’ Kasi kahit sa bahay nag-iiba ako eh. Nadala ko si Barang hanggang ngayon. Kailangan ko talaga magpahinga. Pahinga sa harap ng kamera, sa pag-iyak. Kasi ‘pag artista ka, nando’n lahat ng emosyon eh,” paliwanag ni Sylvia.

Ang Misis Piggy ang magsisilbing huling proyekto ngayong taon ng beteranang aktres. Napapanood na sa pamamagitan ng iWantTFC ang naturang serye. Malaki raw ang pagkakapareho ng karakter ni Sylvia bilang si Marivic sa tunay na buhay. “Nakaka-relate ako kasi ‘yung pagiging hardworking, na gagawin lahat ng klase ng trabaho para maitaguyod ‘yung anak ko. Ginawa ko naman talaga sa totoong buhay ‘yon,” giit ng aktres.

Mccoy, handang magpa-sexy

Malaki ang pasasalamat ni McCoy de Leon sa lahat ng mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan ni Elisse Joson. Ayon sa aktor ay nakatutuwang isipin na mayroon pa ring proyekto ang tambalang McLisse kahit mayroon na silang anak. “Masaya ako na may project kami pero nagpa-revise lang kami ng konti para mag-match sa time at magawa din namin ng ibang ways naman, ibang atake. Ngayon happy kami kasi meron pa rin silang ipinagkakatiwalang project sa amin. Thankful kami sa lahat ng nagtiwala,” bungad ni McCoy.

Ngayong nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency Inc. ay possible na rin daw na makagawa ng sexy film ang aktor. “Sabi ko ang proyekto, masarap gumawa talaga ng pelikula, isang obra, kaya mas tinututukan ko ‘pag nakakatanggap ako ng proyekto. Sa ngayon hindi ko alam saang tsismis galing ‘yon. Pero sa ngayon thankful ako sa Viva dahil naiintindihan nila ako. Alam nila ‘yung gusto ko, alam nila saan ako ililinya. Kaya nasa kanila naman ‘yon at siyempre may mga konting bagay na nasa sa kanya,” paglalahad ng aktor.

Pagkatapos ng pelikulang Habangbuhay na pinagbidahan nina McCoy at Elisse ay maaaring magkaroon ng kanya-kanyang katambal ang magkasintahan. “Ang project naman kung ibibigay palagi dapat may bago. Kumbaga ibig sabihin gusto ko ‘yung story na maganda talaga. Ang hirap kasi gawin ‘yung pelikula na hindi kami in love sa story. Kaya ang priority namin ‘yung content. Tapos saka na namin pag-uusapan kung sino ‘yung mga kasama,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with