Ian, pinagpawisan, kinabahan sa katawan ni Andrea
Pati si Ian Veneracion ay hindi napigilang mag-react sa kaseksihan ni Andrea Torres nang mag-post ito habang nasa beach.
“Finally back in the beach!!!,” caption ni Andrea sa series of photos niya na naka-orange one piece bikini.
“Naku po!!! Uy teka lang…ano nangyayari? Bakit parang kinakabahan ako, at pinagpapawisan na hindi ko maintindihan?!
“Wala naman gulatan na ganyan!,” comment ng actor na ngayon ay ang ATeam na ni Ogie Alcasid ang nama-manage.
Sumagot naman si Andrea ng “@ianveneracion1 Wahahahaha. I miss you Boss Pogi! See you as soon as I get back! Kita mo yan, ‘as soon as’ ha!”
Ginagawa nila ang local version ng Korean drama na A Love to Kill.
- Latest