^

PSN Showbiz

Baron sumasailalim sa Alcoholics Anonymous, asawa nanghihingi na ng annulment

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Baron sumasailalim sa Alcoholics Anonymous, asawa nanghihingi na ng annulment
Jamie at Baron.

Nagkahiwalay kama­kailan si Baron Geisler at asawang si Jamie Evangelista. Sumasailalim ngayon ang aktor sa programang Alcoholics Anonymous na makatutulong upang makaiwas na sa bisyo partikular na ang labis na paglalasing. “Jamie and I followed the advice of our sponsors to take a break and seek treatment as we renew our efforts to each work on our 12-step program,” pagtatapat ni Baron.

Ayon sa aktor ay gusto na rin daw ng kanyang misis na ipawalang bisa ang kanilang kasal. “I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all,” makahulugang pahayag niya.

Gayunpaman ay umaasa si Baron na magkakabalikan pa sila si Jamie at maaayos ang kanilang pagsasama. Mahigit dalawang taong gulang na ngayon na ang anak ng mag-asawa na si Talitha. “Hopefully we can soon be back together when emotions are less raw,” pagtatapos ng aktor.

Marami naman ang pumuri sa aktor dahil nakapagtapos ng kolehiyo kamakailan sa kursong Theology.

Sue, maraming nagawang ‘crazy things’ para kay Javi

Masayang-masaya si Sue Ra­mirez dahil patuloy na tinatangkilik ng mga mano­nood ang teleseryeng The Broken Marriage Vow na kanilang pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.

Ginagawa umano ng kanilang buong grupo ang lahat upang mas kaaliwan pa ng mga tagahanga ang serye. “The writers really plotted it na makaka-reach sa lahat ng klase ng au­dience. Simula sa mga bagets hanggang sa mga mommies natin na nanonood gabi-gabi na nakatutok. I think Dreamscape really made sure to make it to a point na everyone will be able to connect with the show and relate with the show,” pahayag ni Sue.

Nagpapasalamat ang dalaga sa netizens na pa­tuloy na guma­gawa ng mga nakatatawang content sa social media tungkol sa The Broken Marriage Vow. “I’m very, very grateful sa mga people online who make the spoof. Kung hindi din dahil sa kanila, baka mabigat nga ang take ng mga tao sa show namin. Dahil sa kanila, napapagaan nila ‘yon. Mas madami pang tao ang nagiging aware of our show and mas marami gabi-gabi ang nanonood sa amin. Sobra-sobra n’yo rin kaming natutulungan,” giit ng dalaga.

Samantala, dalawang taon ng kasintahan ni Sue ang aktor na si Javi Benitez. Para sa aktres ay talagang masarap magmahal at ginagawa rin niya ang lahat ng kayang ibigay pagdating sa pag-ibig. “Definitely love will make you do crazy things. Love has made me do crazy things, a lot,” pagtatapos ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with