^

PSN Showbiz

Rhea, na-touch sa ginawa ni Maja

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhea, na-touch sa ginawa ni Maja
Rhea at Maja.

Sobrang na-touch si Rhea Tan ng Beau­tederm kay Maja Salvador kaya panay ang kuwento niya na dinalaw siya nito sa Pampanga.

Touching sa kanya na dumadaan sa bahay niya sa Angeles ang ambassadors ng Beautederm. Kasi nga mas gusto niya na doon mag-stay sa pro­binsya kesa sa city kaya ang office ng Beautederm sa Angeles, sa mismong bahay ni Rhea Tan.

Lucky naman dahil number 1 sa beauty products ang Beautederm, at mukhang walang tatalo sa market.

Ang husay kasi ng marketing strategy ng Beautederm kaya naman si Rhea araw-araw masaya at beautiful. 

VP Leni, pini-pressure ng followers

Siguro ang laking pressure kay VP Leni Robredo ‘yung mga sinasabi ng followers niya. Kasi nga lalo na ‘yung stars for Leni ‘pag nagsalita, parang lahat ng problema maayos ‘pag si VP Leni na ang nakaupo.

Sobrang hard-sell na mga salita na para bang lahat ng problema, kayang-kaya ni Leni. Siyempre dahil iyan ang sinasabi nila, iyan ang aasahan mo sakaling umupo siya.

Maganda kung talagang magagawa, ang nakakatakot, pero ‘pag hindi ito natupad at nabigo ka sa inaasahan mo sa administrasyong Leni Robredo, paano na?

Hindi naman siguro ganun lang kadali ang lahat, at hindi rin naman Wonder Woman, o Super Girl si Leni. Kaya kailangang huwag masyado kung anu-ano ang sinasabi na gagawin niya o magagawa dahil pressure ito para sa pangalawang pangulo.

Maging practical lang at huwag sobrang hard-sell, huwag mag-promise nang sobra baka asahan at mabigo ang tao. Hinay-hinay lang, huwag sobrang hardcore.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with