^

PSN Showbiz

‘Di lang si Lorna, Coco bumili rin ng lupain sa Ilocos

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Di lang si Lorna, Coco bumili rin ng lupain sa Ilocos
Lorna.

Dahil sa Ang Probinsiyano na sa Ilocos naka-lock in simula nang magka-pandemic, bumili na si Lorna Tolentino at Coco Martin ng property doon.

Nagandahan sila at nagustuhan ang ugali ng mga Ilocano kaya naman naisip nila na kahit tapos na ang taping, puwede pa rin silang pumunta dun at mag-stay ng matagal dahil nga sa ganda ng lugar.

Tuwang-tuwa sila Coco at Lorna  na kahit maliit lang ang property nilang nabili meron na silang pupuntahan pag nami-miss nila ang Ilocos.

Talagang gandang-ganda si Lorna at Coco sa mga ta­nawin at sa malinis na dagat kung saan sila nagti-taping. Sabi nga ni Lorna, Ilokana na siya, at balak niya na lagi ay magbakasyon dun.

Naku makapunta nga sa Ilocos.

Dami ko diyang pupuntahan dahil Ilocana si Rei Tan ng Beautederm na may pinatatayo ring mansion doon.

Maricel, totoong star

Bongga talaga si Maricel Soriano.

Imagine minsan lang lumabas, balita agad sa lahat ng dyaryo.

Ginawan talaga ng intriga na hindi niya binanggit ang pangalan ni vice presidentiable Kiko Pangilinan nang i-endorse niya si Leni Robledo na suportado niya ang kandidatura sa pagka-presidente.

Bongga at ang ingay nang ginawa niya, pinag-usapan siya.

Iyan sinasabi ko, basta star ka, newsmaker ka talaga. Kon­ting galaw, news agad.

Tingnan mo ang ingay na halos headline sa lahat ng columns. Saka siyempre, kasali rin ang pagiging megastar ni Sharon Cuneta.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with