^

PSN Showbiz

Nag-emote sa social media... Ken Chan, patalikod na sinisiraan ng kaibigan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nag-emote sa social media... Ken Chan, patalikod na sinisiraan ng kaibigan!
Ken Chan.

Mukhang napuno na si Ken Chan, kaya nakapag-emote na ito sa kanyang Twitter account.

Sinimulan niya ang magkakasunod na tweet kamakalawa ; “Reminder: Huwag na huwag kang maninira ng ibang tao masama yun, lalo na wala namang atraso sayo yung taong sinisiraan mo.

“Nakatingin sayo si Lord (pray emoji).”

May ipinost din siyang quote card na sinasabing; “Don’t worry about what people say behind your back, they are the people who are fin­ding faults in your life instead of fixing the faults in their own life.”

Ang daming nag-react sa tweets niyang iyun at may pinagdududahan na kami kung sino ang tinutukoy niya.

May isang fan niya o baka close sa kanya ang nag-comment ng pag-usapan daw nila itong pinagdaraanan niya.

Ang sabi pa nung nag-comment; “Pero kung ano man yan, kapit lang kay Lord di Ka niya huhusgahan. Tapos tawagan mo si Rita, ganern! Charooot!”

Sinagot ito ni Ken ng; “Mas importante yung sinabi mo na kumapit kay Lord (smile and pray emoji).”

Mukhang kilala ni Ken itong nagku-comment sa tweet niya, kaya sinagot din ito tungkol sa nagba-backstab na hindi raw masakit iyung ipinagkakalat, kundi ‘yung malaman mo kung sino ang naninira o ang may hawak ng kutsilyo.

Kaya sinagot ito ni Ken ng; “Nakuha mo!”

Nilinaw din niyang hindi mga kamag-anak niya ang pinatatamaan niya.

Pero may sinabi pa siyang; “Nagtaka ka pa kung bakit ganito mga posts ko ah. Tanungin mo kaya sarili mo kung bakit.

“Realization: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sayo ay kaya kang siraan. Buti na lang talaga…”

Dagdag pa niyang tweet; “Kapag nag-rant ako at nilabas ko ang saloobin ko baka hindi niyo kayanin kaya ok na ito (smile and thumbs up emoji) Salamat sa inyong lahat.”

Matapos ito at halatang nailabas na niya ang sama ng loob, gusto na raw niyang makipagtsikahan sa fans niya, pero puro positive na lang daw ang pag-usapan.

Ang isang positive na gusto kong iparating kay Ken Chan ay ang gaganda ng feedback sa kanyang Christmas-themed cafe na Claus Café sa Tandang Sora, QC at sa Greenhills.

Ang sarap daw ng mga luto, at ang guguwapo pa raw ng mga waiters. Kaya nai-enjoy ng mga kabadingan na kumain doon.

Iwas intriga na ang all-girl PPop group  na Calista, lalo nang nagkairinganpa ang fans ng naturang grupo at fans ng SB 19.

At okay na ngayon sa SB19 ang Calista at nagkapiktyuran pa nga sila sa nakaraang P-Pop Convention na ginanap sa New Frontier Theater nung April 9 at 10.

Nakuha pa roon ng Calista ang Netizen’s Best Choice Wards na Top Emerging Girl Group.

Pagkatapos nito ay todo ensayo na sila sa kanilang Vax to Normal concert na gaganapin ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Concert ng Calista, tribute sa frontliners

Sa matinding rehearsal na ginagawa nila araw-araw, titiyakin ng Calista na magi-enjoy ang mga manonood sa performance nila sa Vax to Normal concert.

Kasama ang mga special guest nilang sina Yeng Constantino, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Darren Espanto, Andrea Brillantes at Ken San Jose.

Sa mga interesadong humabol at bumili ng tickets, puwede n’yong i-check sa ticketnet.com.ph.

Ang naturang concert ay tribute ng Calista para sa mga Frontliners.

Sabi nila; “This concert aims to give tribute to the heroes of the pandemic, and make new and epic memories when we are finally vax to normal. And Calista is taking our part in this endeavor.”

 

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with