^

PSN Showbiz

Kasal nila Maja, hindi pa planado

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kasal nila Maja, hindi pa planado
Maja at Rambo.

Alam mo, Ateng Salve, kahapon ay ka-text ko si Rambo Nuñez, ang fiancé ni Maja Salvador.

Kuwento ni Rambo, halos araw-araw raw ang trabaho ngayon ni Maja sa Eat Bulaga, pero kapag may pagkakataon ay tumutulong daw ang kanyang fiancée sa pangangampanya para sa PBA Partylist na third nominee siya.

Si Rambo naman daw, panay ang ikot at maraming activities dahil sa pangangampanya.

Kaaliw nga raw dahil sa tuwing lumilibot sila, tinatanong siya ng mga tao kung kailan na ba ang kasal nila ni Maja?

“Actually, palaging may mga nagtatanong sa akin kung kailan na ang kasal namin ni Maja? Pero wala pa talaga kami kahit na anong details. Step by step and first ‘yung engagement nga namin, ‘yung proposal na ginawa ko,” sey ni Rambo.

Teka! Baka naman kasi destination wedding ‘yon at sa abroad nga nila planong pakasal?

“As in wala pa at all, Tito Jun,” sey pa ni Rambo.

Sa tagal kong kakilala si Rambo at ang nanay niyang si Ms. Marilen Nuñez, naniniwala ako sa tsika nila na wala pa talagang mga plano tungkol sa kasal ng una kay Maja.

Anyway, sa eleksiyon pala ay hiwalay muna ang dalawa dahil sa El Nido, Palawan naka-register si Rambo at sa Maynila naman daw bomoboto si Maja.

Angeline may concert pagka-panganak

Kung sa Vax Ganda: A Dose of Laughter US concert tour last year ni Vice Ganda ay si Angeline Quinto ang special guest niya, sa Fully Vice-cinated! US Concert Tour 2022 ng Unkabogable Star ay si Darren Espanto na ang special guest ng “misis’ ni Ion Perez.

May sariling concert tour kasi si Angeline, ang 10Q The US Canada Tour kung saan ay kasama niya ang BuDaKhel group nina Bugoy Drillon, Daryl Ong at Michael Pangilinan.

Ang Spotlight Media Entertainment ni Ms. Pen de Leon-Manahan ang producer ng Anaheim, California show on September 9, Seattle, Washington show on September 16 at Las Vegas, Nevada show on September 23.

Marami pang ibang shows si Angeline at ang BuDaKhel.

Samantala, ‘yung kay Vice naman ay may limang shows na magsisimula on July 2 sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California at mag-e-end on July 10 sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City, New Jersey.

Ang bongga talaga ng Pinoy shows ngayon sa Amerika, Ateng Salve, huh!

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with