^

PSN Showbiz

Mga eksena ni Kit, binasura na sa serye nina Lovi at Piolo

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Mga eksena ni Kit, binasura na sa serye nina Lovi at Piolo
Piolo at Lovi.

Ang bongga lang at mukhang lalong tumaas ang production budget ng Pinoy adaptation ng Flower of Evil na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual dahil ire-reshoot nga raw ang lahat ng mga eksenang nakunan kay Kit Thompson.

Eh, naka-two cycles ng lock-in taping si Kit sa nasabing series ng ABS-CBN, kaya madugo ang gagawin nilang pagre-reshoot, huh!

Anyway, kalat na naman kung sino ‘yung Kapamilya actor na pumalit kay Kit, pero wai­ting pa rin talaga ang lahat sa official announcement ng ABS-CBN at Dreamscape tungkol doon.

Hindi kaya isabay na nila ‘yon sa pag-a-announce kung kailan magsisimulang umere ang seryeng ‘yon nina Lovi at Piolo?

Puwede.

Anyway, marami na ang excited sa Flower of Evil dahil ‘yon ang first Kapamilya teleserye ng Precious Jewel na si Lovi.

‘Yun na!

First lady, hindi na lock-in

Alam mo, Ateng Salve, bago natapos ang cycle 2 lock-in taping ng First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa GMA 7 ay may nagkuwento na sa amin na after Holy Week kapag nag-resume sila ng taping ay hindi na raw lock-in ‘yon.

Pero kuwento nga sa amin ng isang kasama sa nabanggit na romantic-come­dy series, lock-in taping pa raw sila at cycle 3 na nga.

Kahapon ay nag-check in na sa hotel sina Sanya, Gabby at iba pa at may mga ibang next week pa ang lock-in.

Today naman ang first day taping nila.

Anyway, matatapos ang cycle 3 lock-in nila on May 6 at kapag nag-resume sila ng taping on May 12 ay every other day na ang taping nila at uwian na ‘yon.

May mga araw na may taping ng Saturday at meron ding Sunday, depende raw kung saang tatama ang every other day na schedule ng taping nila.

At least, hindi na nila kailangang mag-lock-in.

Teka! Ang ibang tapings din kaya ng Kapuso Network ay ganoon na rin ang magiging sistema?

Ang ABS-CBN kaya, sumunod na rin sa ganoon at hindi na mag-lock-in sa kanilang mga taping? What about TV5 kaya?

Well...

vuukle comment

LOVI POE

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with