Miss Universe Philippines 2022, mapapanood sa digital platforms ng ABS-CBN
Sino kaya ang susunod na pambato ng Pilipinas sa 2022 Miss Universe?
Kilalanin ang Filipina na papasahan ng korona ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa coronation night ng Miss Universe Philippines sa Abril 30, 7 p.m. na mapapanood nang live at free sa digital platforms ng ABS-CBN na iWantTFC at ABS-CBN entertainment YouTube Channel bilang official digital partner ng nasabing pageant.
Saksihan ang kaganapan sa MOA Arena kasama ang hosts na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.
Maaari ring suportahan ang inyong napupusuang kandidata sa pagrampa nila ng kanilang swimsuit at gowns at pagsagot sa Q&A portion sa naturang gabi.
Huwag ding palampasin ang performances nina Bamboo, Francisco Martin, at Sam Concepcion.
Bago naman ang coronation night, panoorin din kung paano magpakitang gilas ang 32 na kandidata sa iba’t ibang preliminary activities sa Abril 27, 6 p.m. sa The Cove Manila.
Mapapanood ang highlights ng activities sa nasabing digital platforms ng ABS-CBN.
Thirty-two na kandidata ang maglalaban-laban sa Abril 30, 7 p.m. sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV.
- Latest